Chapter 14: CAPTURED

156K 2.7K 547
                                    

Chapter Fourteen: CAPTURED

KYLE POV

“Amber…”

Nagulat ako na sya mismo ang tumawag sa akin. Akala ko, hindi na ulit kami magkikita o magkakausap man lang. She look stressed at pumayat pa sya, I wonder if it’s all because of Klio or if it is because of me…

“Have you decided?”

Nakayuko pa sya habang nasa tyan nya ang isang kamay, ayoko mang isipin pero isang bagay lang ngayon ang tumatakbo sa utak ko.

Damn Klio…

Bakit si Amber pa? Bakit sya pa?

“Z…”

Nag-angat sya ng tingin at sinalubong ang mga mata ko, I feel guilt pero ito lang ang paraan na alam ko. Kumapit na ako sa patalim at alam kong kahit anong oras, pwede din akong mamatay sa ginagawa ko.

Hindi lang mga ordinaryong criminal o gangster ang Apostle 13, wala silang sinasantong Diyos o Batas kaya ito lang… ito lang ang pwede kong gawin para mahuli sila.

“Mahirap para sa akin ang bagay na ito, pero kailangang maintindihan mo…”

Humugot sya ng malalim na hininga at pilit na pinipigilan ang luha sa pagpatak sa kanyang mga mata. Gusto ko syang lapitan, gusto kong pagaanin ang kalooban nya pero hindi ko ginawa…

Sabik akong marinig kung ano ang mga lalabas na salita sa bibig nya. Gusto kong ibalik kung ano ang meron kami noon ng wala pa si Klio. Gusto kong mabawi si Amber kaya gagawin ko ang lahat para mawala lang sya kahit ang patayin pa sya, gagawin ko mawala lang si Klio Nerraw.

“Mahal ko si Klio…”

Alam ko na sasabihin nya parin ang mga salitang iyon pero kahit kaano kasakit, mas pinili ko paring marinig ito.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon