Chapter 01: GANG WAR

292K 4.5K 986
                                    

Chapter One: GANG WAR

LYRA POV

MY HEAD IS ACHING LIKE A DAMN HELL at hindi ko na alam kung papaano ko maaalis ang sakit na ito. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata, nasa isa akong madilim at malawak na lugar, sobrang lawak na hindi mo makita ang hanganan nito.

Sa harap ko ay may isang pintuan na bahagyang nakabukas, lumakad ako dito para makita kung ano ang nasa loob, sumasakit parin ang ulo ko at para itong binibiak.

Nakapikit ang isang babae habang nakakadena sya sa kinalalagyan nito, sinubukan kong lumapit sa kanya at napansin ko ang kadena na nakagapos sa kanya na unti-unting natatanggal.

Dahan-dahang umangat ang kanyang mukha at dumilat, napaatras ako ng makita ko kung sino ang babaeng ito.

Ang sarili ko…

Hindi, hindi ako ang taong to… ang babae sa harapan ko ang tinatawag nilang Virgo o Bloody Maria.

Napaatras ako pero bago paman ako makalapit ay nahawakan na nya ako, sobrang higpit ng hawak nya na para bang mapuputol ang kamay ko. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit ayaw nya akong pakawalan at bago ko pa napansin, ako na ang nasa sitwasyon nya.

Nakagapos na ako sa mga kadenang ito na unti-unting sumasakal at humihigpit sa akin. Nakita ko sya na nakangiti at nakatitig sa akin na para bang natutuwa syang nahihirapan ako.

“Hindi…”

Hindi na din ako makahinga at unti-unti ng lumalabo ang paningin ko, tanging mga paa na lamang nya papalayo ang nakikita ko at bago nya tuluyang isinara ang pinto at iniwan ako, narinig ko ang mga huling salita na binitawan nya sa akin…

“Welcome ad infernum”

ONE YEAR AFTER

THIRD PERSON POV

Nag-aabang sila sa isang sulok habang nagmamasid sa paligid. Tanging mga eye contact lang ang ginagamit nila para makipagcommunicate sa kasama nila.

May nakapagsabi sa kanila na dito dadaan ang target nila kaya naman ngayon pa lang, naghahanda na sila sa pagsugod.

Dumating na ang target at unang lumakad ang isa sa kanila, nakahood ito kaya hindi mo agad mapapansin ang kanyang mukha. Nasa likod nya ang ilang kasama at pasimpleng lumalakad na para bang walang panganib na nag-aabang.

Derederetsyo lang sya sa paglalakad hanggang sa binangga nya ang isang lalaki. Tumigil ang lalaki sa paglalakad at hinawakan sya sa balikat paharang dito.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon