Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT

102K 2.7K 1.6K
                                    

Chapter Fifty Six: TANGO IN THE NIGHT

THIRD PERSON POV

"Did you really send her an invitation?"

Inayos ni Skye ang buhok at maskara nito habang nakaharap sa salamin. Katabi nito ang mga kaibigan at sa di kalayuan naman ay naandoon si Prime. Matapos mabuwag ang Helena Gang, aminado sila na may malaking gap na sa pagitan nila at ang isa pa, tama lahat ng sinabi ni Prime.

Bakit ba hindi sila naniwala dito?

Lyra is Bloody Maria and Caleb is Leo pero ang mas masama, Lyra and Jireh had a relationship. All this time, kasama lang pala nila ang babaeng matagal na nitong gustong patayin.

"Darating kaya sya?"

"She will..."

Nilalaro ni Jireh ang singsing ni Liam sa kamay nito. He knew how much Lyra loves party and surprises, kung pupunta man ito sa birthday nya, iyun ay hindi para makipagcelebrate kung hindi para manggulo o gumawa ng eksena.

Isa pa, inimbitahan nya din ang lahat ng Apostles sa birthday nya ngayon. Sa lugar na ito, tatanggalin nya ang maskara ni Bloody Maria.

Hati ang celebration ng party nya, sa magkaibang venue at oras at ang oras na ito ang inilaan nya para sa mga Apostles at Helena Gang na tanging sila lang ang nakakaalam.

"King..."

Napalingon ang lahat ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Klio suot ang maskara ni Aries. Mag-isa lang itong nagpunta sa lugar katulad ng nakasaad sa invitation.

Ayaw nya sanang magpunta sa celebration ng birthday ni Jireh dahil sa condition ni Amber pero alam nyang pupunta ngayon dito ang kapatid para gumawa ng eksena.

"Yo!"

Lumapit si Conrad kay Klio habang nakataas ang kamay, katulad ni Klio, suot din nito ang maskara ni Pisces.

Inilibot ni Klio ang paningin nito. Napansin nito na walang ibang tao maliban lang sa ilang Apostles na naandito na at Helena Gang sa lugar. Nakaserve na din ang mga pagkain at sound system. Mukhang ginawang private ni Jireh ang lugar na ito para sa kanila.

Sunod na dumating sa lugar ay ang kambal na Gemini na walang suot na maskara. Kinuha ni Ophiuchus ang maskara nila ng sumugod ito sa kanila at mukhang hindi pa alam yun ng Helena.

Bukod don, kung rules lang din naman ng pagiging Apostles ang susundin, hindi na sila Apostle dahil wala na ang maskara sa kanila but then, they received the invitation at alam nila na hindi nila ito pwedeng tanggihan.

"Dumadating na ang mga bisita mo, King..." si Dylan na napapangiti sa nakikita nito.

Diretsyong lumapit si Cly kay Jireh at hinagis sa mukha nito ang isang maliit na regalo. Kung hindi agad ito sinalo ni Jireh ay sigurado syang tinamaan na sya nito sa mukha.

"You just isip na lang it as entrance fee..." saka ito tumalikod at bumalik sa kakambal.

Napasulyap naman si Jireh sa isang sulok kung saan naandoon si Isly at naghihikab. Suot din nito ang maskara ni Libra at kanina pa ito naandoon. Sya ang unang dumating sa lahat ng mga Apostles at kanina parin ito naiinip sa paghihintay.

Dahan-dahan itong naglakad papunta sa pwesto ni Prime at tinitigan ito.

"Pwede na bang kumain? Nagugutom na ako..."

Napakunot noo naman si Prime sa tanong nito. Napabagsak na lang ang balikat nya at napatango.

Dumeretsyo si Isly sa pagkain at kumuha ng plato at tiningnan ito isa-isa.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon