Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE

148K 2.7K 525
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR: TOWARDS THE EMPIRE

HOSPITAL

JIREH POV

“I am Bloody Maria…”

“Lyra…”

Hinawakan ko ang kamay nya pero tumagos lang ito sa kanya at ng tingnan ko ang kamay ko, puno ito ng dugo…

“Kuya…”

Napabaling naman ako sa likuran ko kung saan naandoon si Liam at nakatayo, puno ng dugo ang katawan nito habang hawak-hawak ang isang mascara ng Apostle.

Si Ophiuchus…

Napabaling ako ulit kay Lyra na may hawak na katana at nakahanda ng sumugod. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko syang pigilan, gusto kong sabihin sa kanya na tumigil na sya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Tumagos sa katawan ko si Lyra at ng lingunin ko ito, nakita ko sya na sinaksak na ng katana si Liam…

Patuloy ang pag-agos ng dugo sa paligid, sobrang daming dugo na maging ang paningin ko ay kulay pula na din.

Tumingin ako sa harapan ko, nakayakap sa akin si Lyra na nababalot ng dugo ang buong katawan at sa mga kamay ko, may hawak akong katana…

“Ji-reh…”

Hindi… Hindi…

Nabitawan ko ang katana at agad na sinalo si Lyra… wala ng buhay ito. Imposible, pinatay ko sya…

Pero wala akong ginawa, sya ng pumatay kay Liam at…

Mabilis na pumatak ang mga luha ko, hindi ko kayang tanggapin na ako ang pumatay sa kanya, hindi at ayoko!

Hindi sya si Bloody Maria, hindi si Lyra!!! Hindi sya…

“Lyra!”

“Aray!”

Agad akong napahawak sa ulo ko, sobrang sakit nito dahil sa pagkakapalo sa akin ng babae sa tabi ko.

“Pamela?”

“Nakakainis ka naman kuya eh, ngayon ka na nga lang nagkamalay si Lyra pa agad ang una mong hinanap…”

Panaginip…

Isang panaginip lang yun pero pakiramdam ko, totoo. Pinatay ni Lyra si Liam at dahil doon…

Tsk… hindi ko maisip na ginawa ko ang bagay nay un.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon