Chapter 07: THE PARTY

177K 3.2K 683
                                    

Chapter Seven: THE PARTY

CHRISTINE POV

Weird....

Agad akong napadilat ng mata mula sa pagkakatulog ko sa sofa, masyado yata akong napagod nitong mga nakaraang araw para sa preparation ng party ni Bloody Maria.

Ang weird talaga ng panaginip ko....

I wear the mask of Virgo at naglalakad ako sa harapan ng maraming tao when someone shoot me in the head pero parang tumagos lang sa ulo ko ang bala. Wala dugo na lumabas at hindi man lang ako natumba dahil sa impact nito pero nararamdaman ko ang sakit...

Kakaibang sakit na para bang iniwan ka o tinalikuran....

I look at the clock to see the time, alas dyes na pala ng umaga at saktong alas dyes din mamayang gabi, magaganap ang isang party na hindi makakalimutan ng lahat.

Agad akong naligo at nagbihis saka nagpunta sa kusina para kumain. Mukhang late na rin nakatulog si Akagi dahil hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita ang anino nya.

“Shit naman Akagi! Anong itsura yan?”

Muntikan ko ng maibato sa kanya yung plato na hawak ko dahil bigla na lang syang bumungad sa harap ko. Hindi lang basta bumungad, para syang nasa horror film dahil sa itsura nya.

“Alam mo ba na tinawagan ako ng magaling mong bestfriend ng ala una dahil may mga pinapabago sya sa set up? At ngayon pa lang ako matutulog...” sinabi nya yan na para bang gusto nyang ibaon s alupa si Lyra.

Seriously? Ano na naman kayang pumasok sa utak ng babaeng iyon? Alam ko na marami syang alam na pakulo at kung ano pa man but, mamaya na ang party and it’s a bit too late para magchange ng details.

“What do you mean?”

Hindi na ako nasagot ni Akagi dahil nagcollapse na sya sa harapan ko, tsk... kung ganun, tatlong araw na syang walang tulog. Kawawang Akagi, ganyan talaga ang magiging buhay mo once na dumikit ka kay Lyra kaya kung ako sayo, magresign ka na.

Inihiga ko muna sa sofa si Akagi, kawawa naman baka matapakan ko pa ito eh di swerte nya bago bumalik sa pagkain.

Ano kayang pinabago ni Lyra sa kanya? Sana naman hindi ganun kalala dahil sa totoo lang, nababaliw na ako sa mga naiisip nya...

Kriiinggg....

Napabaling ako sa phone ng bigla itong tumunog... Great! Akagi, hindi ka na naman nagbayad ng bills natin.

Wala naman kasing nakakaalam ng landline number dito except na lang sa mga company nay an at tumatawag na lang sila dito kapag hindi nagbayad ang kumag na ito.

Inubos ko muna ang pagkain ko bago ako tumayo, para sagutin ang caller. Wala akong pakialam kung maghintay sila basta gutom ako at uunahin ko ang gutom ko.

Walang buhay kong sinagot ang phone, bwiset ka Akagi... ikaw magbabayad ng mga ito paggising mo.

“Tulog pa yung magbabayad, tumawag na lang kayo kapag buhay na sya...”

Ano ba yan, istorbo... ang dami ko pang gagawin para mamaya syempre, isa na doon ang pagpapaganda.

Ibababa ko na sana ang phone ng matigilan ako dahil sa boses sa kabilang linya....

“Uhm... then I wouldn’t mind kung gigisingin mo sya sa kahit anong paraan, Copycat”

“Lyra...”


Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now