Chapter 21: HELP

149K 2.8K 663
                                    

CHAPTER TWENTY ONE: HELP

AKAGI POV

Kinakabahan ako, hindi pa tumatawag si Lyra simula ng umalis sya galing sa concert. Usap usapan na ng lahat ang nangyaring pagbaril kay Genesis at hanggang ngayon wala parin akong alam sa sumunod na nangyari.

Tiningnna ko ang hawak kong files na pinapahanap ni Lyra. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa taas ng logical thinking ng babaeng iyon.

Paano nya nagagawang isipin ang mga susunod na mangyayari at napagplaplanuhan nya agad ito? Come to think of it… ganun din si Leo.

Imba talaga ang utak ng mga iyon.

“Holy Shit!”

Agad akong tumalon sa kinauupuan ko at nagtago ng bumukas ang pinto. Tapos na ang Friday the 13 ah at saka, lampas na ng twelve.

Shit, papunta sya sa direksyon ko…

Isang duguang babae at diretsyo lang ang tingin sa akin. Kinakabahan ako na kulang na lang lumundag yung puso ko sa kinalaglagyan nito.

“Maawa po kayo sa akin!!!”

“Lyra!”

Lyra? Tumingin naman ako kung saan lumabas si Christine at nilapitan yung babae. SI Lyra ang babaeng iyon? Teka anong nangyari sa kanya?

Pero nilampasan lang sya ni Lyra at dumeretsyo sa kwarto nya na parang walang narinig. Napadikit ako sa sahig, may mga bakas pa ng dugo sa dinaanan nito.

Tiningnna ko si Christine, mukhang hindi naman sya natakot sa itsura ni Lyra, in fact… mukhang nag-aalala pa nga sya.

“Just a thought about sa gang war, bakit ganun na lang kagustong pigilan ito ni Lyra? Kung tutuusin, sa lakas at talino nya, kayang-kaya nyang manalo…”

“There’s no doubt about it… mananalo talaga sya pero…” acting like Bloody Maria ha? Lumakad na ako paupo sa sofa, hindi parin mawala sa utak ko ang itsura ni Lyra kanina.

“Lyra once said,” napabaling naman ako kay Christine na nakatingin sa may pintuan ng kwarto ni Lyra.

“The sight of gang war and after it, yun ang hindi nya gusto. After the gang war, there’s death and after death, revenge and then gang war again at ayaw nyang mabuhay sa ganung klaseng mundo. It’s a continues cycle na hindi mo basta-basta kayang pigilan. Kaya habang kaya nya, habang may kapangyarihan pa sya… pipigilan nya ito bago pa maging huli ang lahat.”

Saglit syang tumigil at tumingin sa akin saka ngumiti. I never expect that Lyra would have that kind of thinking, mas madali sana kung ang reason nya ay tinatamad lang sya.

“She’s stupid for saying that but then, alam natin na sya lang ang makakagawa nun…”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon