Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2

117K 2.9K 782
                                    

Chapter Sixty Six: WAR OF APOSTLES part 2

THIRD PERSON POV

Sunod sunod na ingay ang ginagawa ng mga wangwang ng police at ang malalaking sasakyan ng military patungo sa isang direksyon. Naagaw na din nito ang atensyon ng mga tao pati na din ang media.

May ilan na naiwan para pigilan ang kumosyon ng mga tao malayo paman sa lugar kung saan ngayon naglalaban laban ang mga Apostles.

Napatigil ang mga pulis ng makita ang isang sasakyan na nakaharang sa daan mismo ng gate.

“Tabi” sigaw ng isa sa mga pulis habang hawak ang isang megaphone.

Bumaba sa patrol car ang Head Chief ng PNP at nilapitan ang lalaking nakasandal sa kotse nito na nakaharang sa dinadaanan nila habang naninigarilyo.

“Mr. Cojuangco?” gulat na saad nito.

“Anak sya ng presidente…” pagco-confirm ng isa pa.

Ibinaba ni Skye ang kamay nya saka itinapon ang sigarilyo at tinapakan ito. Since napredict na nila ang bagay na ito, sya lang ang pwedeng pumigil sa mga pulis at military being the son of the President. Kasama sana nya si Krey pero bigla syang iniwan nito at umalis.

Lumapit ang chief kay Skye at seryosong tumayo sa harapan nito.

“This is a National issue at wala itong kinalaman sa inyo, kaya pwede bang umuwi ka na lang sa inyo? Trabaho na ito ng mga pulis at military…”

Nag-angat ng ulo si Skye at tumingin sa mga ito bago ngumiti. Wala syang balak makipaglaban pero kung kinakailangan, kahit mga pulis pa sila at ikasisira ng pangalan ng ama nya, gagawin nya.

“Walang problema, iyun ay kung makakadaan kayo”

Nagtaka naman ang mga ito sa sinabing iyon ni Skye at doon lang nila narealize na unti-unting sumasara ang gate papunta mismo sa destinasyon nila. Gawa sa bakal ang gate na iyun at talagang maririnig mo ang malakas na ingay ng pagsara nito.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon