Chapter 46: THE OPPONENT

101K 2.6K 829
                                    

Chapter Forty Six: THE OPPONENT

 

HOSPITAL

KLIO POV

Kinakabahan ako, ganito ba talaga sa pakiramdam? Para akong masisiraan ng bait, bakit ba ang tagal nya sa loob? Baka mamaya kung ano na ang nangyayari…

Masyado ding tahimik…

“Klio, relax…”

“Nasasabi mo yan dahil wala ka sa posisyon ko…”

“Nasasabi ko ito dahil nahihilo na ako sayo” saka isinara ni Eiji ang newspaper na binabasa nya at tumingin sa akin.

Isinama ko sya dito hindi para sermunan ako o kung ano paman. Bakit ba ang tagal ni Amber sa loob? Aalamin lang naman nila kung ano ang gender ng anak ko, bakit kailangan pang umabot ng ilang oras?

Hindi ko na kaya ito…

Hinawakan ko ang door knob at bubuksan na ito ng bigla din itong bumukas mula sa loob at nagpakita si Amber sa akin. Yumuko sya at umiwas ng tingin sa akin. Binuksan nya ang pinto at pumasok ako sa loob.

Teka, anong ibig sabihin nun? Wala naman sigurong masamang nangyari, ayoko din namang isipin na meron nga. Ok naman ang bata diba?

“Mr. Nerraw?” yung OB.

“Stefan, Giovanni Stefan…”

Since it’s my child, mas mabuti na gamitin nya ang pangalan ng famiglia namin kesa sa mga Nerraw. Alam ko na matutuwa din ang parents ko kapag nangyari yun but then…

Bakit ba hindi mawala ang kaba ko?

Tang-ina, Mafioso ako at Apostle pero sa ganitong bagay, kinakabahan ako? Si kamatayan nga hindi ko sinasanto pero bakit sa OB na ito, tapos yung itsura pa ni Amber, mas lalong nagpapadagdag sa kaba ko.

“Your son is in good condition, wala naman dapat problemahin…”

Walang dapat problemahin, kung ganun ok lang sya. Ok lang ang anak ko, pinakaba nila ako doon. My son…

Wait, did she said, son? Lalaki ang anak ko? Napatingin ako kay Amber para kumpirmahin ito.

“Son?” nakangiti syang tumango sa akin.

“Yes!”

Hindi ko napigil ang sarili ko at napatayo ako saka niyakap si Amber at hinalikan sya sa labi. Well, ok lang naman sa akin kahit ano because it’s our child pero basta masaya ako.

“Klio”

Napatigil kami ng makita ang itsura ng OB na namumula at nakayuko. Sorry naman, proud daddy lang.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon