Chapter 31: RAMPAGE

139K 2.7K 570
                                    

Chapter Thirty One: RAMPAGE

HOSPITAL

THIRD PERSON POV

“Sistah, bakit ang daming underlings ng Helena gang dito? May galit ba ang kuya mo sa Genesis my loves ko?”

Tinitigan ni Pamela si Tine at saka nagtaas ng kilay bago ulit naglakad papalapit sa kwarto kung saan nakaconfine ngayon si Genesis.

“Bakit ako ang tinatanong mo?”

Sumunod naman ang Sistah kay Pamela at tumigil sa harap ng pinto ng bigla silang harangin ng mga underlings ng Helena Gang. Sampu ang nasa harapan nila ngayon at hindi nila alam kung ilan pa ang nasa loob.

“Sorry, bawal po pumasok”

Iniharang ng isa sa kanila ang kamay nito pero tinapik lang ito ni Tine at humawak sa doorknob ng pinto.

“Asawa ako ni Genesis…”

Pero bago paman nya ito mapihit, nahawaka na sya ulit ng isa pa at hinila papalayo sa lugar.

“Hindi mo ba kami kilala? Pinsan ko si Jireh Montenegro at ito, kapatid nya kaya padaanin mo na kami…” hinila ni Tine si Pamela para ilapit sa kanila pero parang walang narinig ang mga ito at nakaharang parin sa may pinto.

Isa lang ang instruction ni King sa kanila, walang papapasukin kahit na sino maliban na lang sa attending nurse at doctor nito.

Naginikot si Tine sa pwesto nya at saka kumapit sa kamay ng dalawang lalaki. Namumuo na sa gilid ng mga mata nito ang luha nya na anomang oras ay babagsak na.

“Kuya, maawa ka… ilang lingo ko ng hindi nakikita ang asawa ko…”

Unggol nito na mas lalong nagpataas sa kilay ng tatlo at bahagyang lumayo sa kanya.

“Desperada” si Pamela.

“Nahihiya ako para sa kanya” Danica na napatapik pa ng noo.

“Should we leave her?” Gelynna na nagsisimula ng humakbang papalayo pero hinwakan sya nung dalawa pa.

“Sistah, kausapin mo si Kuya Jireh ha, sabihin mo na papasukin nya ako, kahit silip lang…”

“No”

Isang sagot ni Pamela at mas lalong hihindi sya dahil tinawag nitong kuya ang kapatid nya. Dati naman King o Jireh lang ang tawag nito dito at sya lang ang tumatawag kay Jireh ng Kuya.

“Ito ba? After how many years ng friendship natin ito pa ang igaganti mo sa akin…”

“Wag mong ipamukha sa akin yang friendship na sinasabi mo dahil walang mabuting naidulot sa akin yan”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon