Chapter 29: DELIBERATION

130K 2.7K 1K
                                    

Chapter Twenty Nine: DELIBERATION

POLICE STATION

THIRD PERSON POV

“So what happened?”

Sumandal si Lyra sa kinauupuan nya at saka tiningnan ang mga police sa paligid. May lima na nakapalibot sa kanya at isa sa may harapan.

“Wala ba kayong cctv o witness? Kung wala kayong idea sa mga nangyari, ibig sabihin, iligal pala ang pagkakahuli nyo sa akin…”

Napangiti si Lyra.

Kanina pa naiinis ang mga police sa kanya na halos napapasuntok na sila sa mesa. Sa lahat ng tinannong nila kay Lyra, wala silang makuha na kahit isang matinong sagot.

Tumayo ang police na nasa harapan nya at halatang nagpipigil ng galit kahit pulang pula na ang mukha.

“Ganito na lang, sabihin mo na lang sa amin ang pangalan mo, address, ilang taon ka na?”

“12”

“Pinagloloko mo ba ako?” saka ito napahampas sa mesa.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Lyra sa nakikita nito. Iyun naman talaga ang gusto nyang gawin ang asarin ang mga ito. Mas lalo nya lang napapatunayan kung gaano kadaling paikutin ang mga police.

“Alam mo ba na pwede ka na naming ikulong?”

Umayos ng pagkakaupo si Lyra at nagdikwatro pa ito sa harap nila.

“Actually, hindi ko alam yan but I’m looking forward to it…”

“Sumagot ka ng maayos…”

Hindi na alam ng mga police ang gagawin nila, halos isang oras na sila sa interrogation room pero hanggang ngayon, wala parin silang progress. Nahuli nila si Lyra dahil sa nangyari sa tren station pero alam nila na meron pang iba bukod doon ngunit wala silang mapiga dahil hindi sila sinasagot ng maayos ni Lyra.

“By the way, ang alam ko kapag hindi naman lumalaban ang suspect hindi na sya kailangang iposas…” at pinakita ni Lyra ang kamay nya na nakaposas.

Nagkatinginan pa ang mga police kung tatanggalin nga nila ang posas o hindi, pero may point si Lyra, kung hindi nila tatanggalin ito, sila mismo ang malalagay sa alanganin.

Lumapit ang isang police kay Lyra at inilabas ang susi, akmang tatanggalin na nya ang posas ng mapansin nitong wala na ito sa kamay ni Lyra.

“Sensya na, ang bagal mo eh, mainipin pa naman akong tao…”

Nagulat naman ang mga police ng ihagis ni Lyra ang posas sa mesa. Nagawa nitong tanggalin ang posas sa kamay nya ng hindi nila napapansin o namamalayan.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon