Chapter 27: PAYBACK

143K 2.5K 396
                                    

Chapter Twenty Seven: PAYBACK

WIMBLEDON UNIVERSITY

ENZO POV

“Hahahhaha… Hanggang ngayon, naiisahan ka parin nila” napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko saka ito pinatay at itinabi sa bulsa ko…

Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari… pumapalpak ang prediction ko dahil sa kapalpakan ng isang yun…

Sa ngayon may gamit pa sya sa akin pero sa oras na matapos na ang role nya sa larong ito, ako mismo ang magtutumba sa kanya.

Ginawa ni Leo ang lahat para makakuha ng Allies si Virgo pero isa-isa ko ding ilalayo ang mga Allies na yun sa kanya at uunahin ko na sya.

I found a way para mailayo si Leo kay Virgo, Leo’s affection towards other, iyun ang gagamitin ko laban sa kanya.

Humarap na ako pabalik sa registrar office ng mapatigil ako dahil nakasalubong ko ang isang pamilyar na tao.

Sinasabi ko na nga ba eh, the moment I said na babalik ako ng Pilipinas, pinaghandaan na din nya ang pagbabalik nya.

I know how calm he is sa mga ganitong sitwasyon pero alam ko din kung gaano nya kaayaw matalo sa sarili nyang laro.

“I didn’t expect to see you here, Isly”

“Well, I did…”

Nagpatuloy sya sa paglalakad at nilampasan ako. Alam ko na may nagbago sa kanya at nagsimula yun ng mamatay si Shin Mekashime. Bago pa sya tuluyang makalayo, humarap sya ulit sa akin at nagsalita.

“Just to satisfy your curiosity, dito ako mag-aaral…”

“Uhm… talagang hinahabol mo ako ha…” saka ako tumawa bago nag-iba ng expression sa harap nya.

“You don’t need to state the obvious, Isly…” saka ko tiningnan ang hawak-hawak nyang acceptance form.

“Well, I love stating the obvious, in fact I’m just thinking…” saka sya ngumiti at dahan-dahang lumapit sa akin.

“Gusto ko na may thrill ang paglalaro natin kaya naman… sasabihin ko na sayo ang pangalan ng lahat ng Apostles para hindi ka na mahirapan pa…”

That is…

Hindi ko inaasahan ang bagay na yun at aaminin ko kinabahan ako. Bakit nya sasabihin sa akin ang pangalan ng lahat ng Apostle? Para ipamukha sa akin na kilala na nya lahat sila? Na mas magaling sya kesa sa akin? Na nauna na sya sa bagay na ito?

“Pisces – Conrad Elizalde, Gemini twins Clytemnestra and Helen Madrigal, Sagittarius, the late Ryuzaki Escala.”

Naglakad sya paikot sa akin habang binubulong ang bagay na yun. Seryoso ba talaga sya?

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon