Chapter 19: ENTRAPMENT

181K 2.7K 507
                                    

CHAPTER NINETEEN: ENTRAPMENT

PRIME POV

Napapikit ako ng maramdamang may pumatak sa mata ko… umuulan? Wala naman akong nabalitaan na uulan ngayon… Pinahid ko ito at muling humarap sa stage pero nabaling na naman ang atensyon ko ng muling may pumatak sa mukha ko.

Pinahid ko ulit ito sa ikalawang pagkakataon but this time, tiningnan ko ang kamay ko. Mapula ito at medyo malapot…

Napatingin ako sa taas at iniangat ang kamay ko…

Dugo…

“Haaaa!!!”

Agad akong napaharap sa stage dahil sa lakas ng pagsigaw ng isang fan. Isang nahuhulog na Genesis ang nakita ko at bumagsak ang katawan nito sa stage.

Saglit na tumigil ang musika at natahimik ang lahat, walang gustong gumalaw o lumapit man lang dito.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi maintindihan ang gagawin ko. Kumalma ka lang Prime... kailangan mong kumalma.

Shit! Paano ako kakalma kung ang nararamdaman ko ngayon ay katulad ng naramdaman ko ng pasabugin ang Wimbledon? Ordinaryong araw lang iyon, tahimik at wlang gulo pero sa isang iglap… naglaho lahat iyon.

At kapag nagkataon…

“Tumawag kayo ng ambulansya! Si Genesis!!! Si Genesis!!! Nabaril si Genesis!!!”

Shit! That is a wrong move...

Bago paman ako makagalaw, agad na nagpanic ang mga tao at nagsigawan. Kaya kaya silang takbo at tulakan makalabas lang sa coliseum.

Ayoko ng mangayri ang nangyari ulit noon…

“Prime!”

Napatigil ako ng magsalita si Skye sa kabilang linya. Tama, nasa paligid sila, kaya posible na nakita nila ang sniper at...

Sniper?

Napatigil ako at saglit na nagisip, hindi ko na maramdaman ang pagtulak ng mga tao o marinig ang sigawan nila. Isang bagay lang ang naiisip ko…

Kung lahat nga ng Apostle ay naandito at sniper ang may gawa nun, ibig sabihin… Pero imposible… si CANCER lang ang alam ng lahat na pinakamahusay na sniper at kayang gumawa nito pero paano mangyayari iyon kung si Genesis mismo si Cancer?

Dalawang bagay lang ang naiisip ko, hindi sya si Cancer o possible na kasama ito sa plano nya. Pero kung kasama man ito sa plano nya, sa pagkakahulog nya at tama ng bala sa kanya, imposible na mabuhay sya…

“Prime!”

“Search the area, sigurado ako na hindi pa nakakalayo ang may gawa nito. Sa taas sya nakaposisyon kaya sigurado ako na hindi sya agad makakalabas.” Sa posisyon ni Genesis, imposible syang mabaril mula sa baba kaya sigurado ako sa bagay na iyon.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon