Chapter 10: CONCLUSION

215K 3.1K 530
                                    

Chapter Ten: CONCLUSION

WIMBLEDON UNIVERSITY

PAMELA POV

I swear over my very gorgeous and sexy body, magtatayo ako ng sarili kong school at papahirapan ko din ang mga magiging estudyante ko, lintik lang ang walang ganti...

Bakit ba kailangang kami pa personally ang mag-asikaso ng enrolment namin. Para saan pa at naging elite school ang Wimbledon?

Dahil dyan, naistress tuloy ako, ang dami pang haliparot sa paligid ko, buti na lang talaga graduate na sila kuya... eh di ngawa na sila ngayon.

"Sistah, omg as in omg talaga..."

Muntikan na akong mabulunan sa red tea na iniinom ko ng biglang dumating si Danica at tumatakbo suot ang killer heels nya.

"What Nica?"

Inip na inip kong sagot, sobrang init na nga, dadagdag pa sya ng bad news, kung about kay Conrad lang talaga yan, ipapalunok ko sa kanya ng buo itong baso ko.

Isa pa itong si Gelynna, parang walang kaproble-problema sa buhay at sobrang relax lang na nagbabasa ng magazine.

"Have you heard, naandito daw si Lyra kanina at kasama sya ni Caleb at nung linta..." saka sya naupo sa tapat naming at umorder ng juice.

"What? That's..."

"Impossible? Of course not, some even took a picture and video of it..."

Nandito sya at hindi man lang nya kami hinanap o nagpakita man lang sa amin? Kailan pa sya bumalik? All I know is nawawala sya but now, all of a sudden...

"Alam na ba ni kuya ito?"

Saglit na tumigil sa paginom si Nica sa juice nya at umayos ng upo bago muna nagsalita.

"He is the leader of the Helena Gang, walang bagay na hindi makakarating sa kanila..."

She's right pero parang... ewan. I should be happy dahil bumalik na sya, magiging ok na si Kuya, babalik na ang lahat sa dati pero bakit iba ang pakiramdam ko?

"I need to see her..."

Tumayo ako at kinuha ang bag ko, nagiwan na lang ako ng bill sa table ng ibaba ni Nica ang magazine na hawak nya.

"Too late, nakaalis na sya..."

"You knew?"

Ipinakita sa akin ni Gel ang iphone nya logging sa school website at naandoon na agad ang pictures nina Lyra. Alam pala ng babaeng ito, hindi man lanng sinasabi sa akin.

"Where's Tine?"

Isa pa ang babaeng iyon, simula ng dumating dito sa Pilipinas ang Genesis na yan, yun na lang lagi ang inatupag nya, ipasalvage ko kaya ang lalaking iyon kina kuya?

"with Genesis..."

JIREH POV

She's back...

Pero bakit ganun ang pakiramdam ko? Parang napakalayo parin nya sa akin... parang hindi parin talaga sya bumabalik. I want to feel her presence, her love that I used to feel from her before.

I know, may magbabago at magbabago sa amin but it shouldn't be like this.

"welcome ad infernum..."

Naagaw ang atensyon ko ng isang ingay, nabitawan ni Prime yung remote ng TV at ng tumingin ako sa kanila... lahat sila nakatutok sa palabas.

Ano meron?

Magsasalita na sana ulit ako ng bigla naming pumasok ang isang estudyante kaya lahat kami napabaling dito...

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon