Chapter 59: A COLD SILENCE

88.3K 2.4K 639
                                    

CHAPTER Fifty Nine: A COLD SILENCE

THIRD PERSON POV

"Isly..."

 

"Huh?"

 

"Pangalan ko"

Patuloy sa pagtakbo si Lyra papalapit sa location nila, ni hindi na nya naisip kung iputok man ni Jireh ang baril nito sa kanya.

"Masaya ba? Yung buhay mo ngayon... masaya ba?"

Parang isa-isang bumabalik sa ala-ala ni Lyra ang mga sinabi ni Isly ng kasama nya ito. Ang itsura nya, ang bawat ngiti, ang bawat kilos nito.

Lahat ng ito, bumabalik sa kanya.

“Good Morning Lychii”

Alam nya na matalino si Isly pero kung sa labanan lang din naman, hindi ito mananalo kung hindi nya gagamitin ang utak nya.

Pero ang umabot sa ganito.

“Checkmate”

Diretsyo lang ang tingin ni Lyra dito, ayaw nyang pumikit dahil baka mas lalolng magsink in sa utak nya ang itsura ni Isly ngayon.

“Pahiram muna nito” at isinuot ni Isly ang kwintas ni Lyra.

Mas mabigat ang bawat hakbang na binibitawan ni Lyra sa pagtakbo nya. Para syang masusubsob o matutumba ano mang oras.

“In our world, age doesn’t matter anymore… Minsan kung sino pa ang bata, sila pa ang dapat mong katakutan”

Napahigpit ng kapit si Lyra sa katana nito. Kung pwede lang na isipin na panaginip lang ang lahat ng ito at magigising din sya, isang bangungot.

“Kapag ginawa ko iyon, siguradong mamamatay din ako”

Napakagat si Lyra sa ilalim na labi nito, those words of Isly keeps running in her head at paulit-ulit katulad ng isang sirang plaka.

“Anyway… friends?”

.

.

.

“What a coincidence… Did you know na marunong din magjapanese at Italian si Bloody Maria?”

 

.

.

.

"Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Gusto kitang patayin... pero alam ko na kapag ginawa ko yun, mababaliwala ang pagsasakripisyong ginawa nya para sayo…"

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon