Chapter 58: THE DEAL

99K 2.4K 791
                                    

Chapter Fifty Eight: THE DEAL

CEMETARY

ISLY POV

“Mekachii…”

Inalagay ko ang bulaklak sa ibabaw ng puntod nito sunod ay sinindihan ang kandila. It’s been a year simula ng mamatay sya, although Sagittarius is dead, hindi ko masasabi na nakuha ko na ang hustisya para sa kanya.

I know na darating si Ophiuchus sa party ni Jireh, kung hindi ako agad aalis sa lugar nay un, possible na malaman nya kung ano ang mga plano ko.

Para umabot sa ganito, napakatuso nya talaga.

The Thirteenth Apostle, Ophiuchus

One thing I learned ng pumunta ako sa party ni Jireh, syempre hindi ako nagpunta doon para lang makisaya pumunta ako doon para siguraduhin ang isang bagay…

At mukhang tama nga ako sa hinala ko tungkol sa pagkatao nya. Kung iisa-isahin ko lahat ng butas sa mga pangyayari, I will end up in that conclusion at alam ko naisip na din ito ni Caleb.

“Lyra once said na ok lang maging masama kung masama din ang lalabanan mo. Ok lang naman kung maging masama ako hindi ba, Mekachii?”

Sa ngayon, imposible na matalo ni Lychii si Ophiuchus dahil naiipit sya sa sitwasyon kay Caleb at Jireh. Hindi ito pwedeng magpatuloy ng ganito kung hindi, kaming lahat ang maiipit.

Kailangan ko na ding kumilos.

 

KLIO POV

Ang sakit ng batok ko, that was a close fight at ang mas nakakaasar, it took all of us para malabanan si Ophiuchus. Ganun sya kalakas at kabilis.

Jireh didn’t say anything at parang automatic na nag-alisan na kami sa lugar, hindi ko na rin nakita si Caleb at Lyra. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero naaalala ko ang bawat detalye ng laban.

Alam ko, nakita ko na dati ang paraan na yun, kung papaano lumaban si Ophiuchus, pero hindi ko maalala kung saan at sino. Sino ang kapareho nayng lumaban at kumilos?

Shit!

Aatakihin yata ako sa puso dahil sa babaeng ito. Anong ginagawa nya dito at bakit dyan pa sya sa hagdan nakaupo? Pwede naman syang pumasok sa loob, kanina pa ba sya dyan?

Dahan-dahan akong lumapit kay Lyra at naupo sa tabi nito. May mga root bear in can sya sa harapan nya. Kumuha ako ng isa at uminom.

Ilang minuto din kami sa ganung sitwasyon, walang kibuan, walang sagutan, basta nakaupo lang at umiinom.

“Kuya”

Anak ka ng puta! Bumara yata sa lalamunan ko yung buong lata ng bigla syang magsalita at isa pa,

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon