Special Chapter Part 1

109K 2.3K 1.1K
                                    


LYRA POV

4 months...

Tang-inang 4 months yan, parang kahapon lang ah.

"May nahuli ka na ba?"

Lumingon ako sa matandang mag-asawa sa tabi ko. After kong magpagaling at magpahinga, I decided na magli-low sa pagiging gangsters, tutal tapos na din naman ang lahat at dito nga sa bayan na ito ako napunta at ang dalawang matandang ito ang nagpatira sa akin.

Hindi kasi uso ang hotel sa lugar na ito at walang apartment, mabuti na lang at nage-exist sa kanila yung salitang kuryente at signal kung hindi, mamamatay ako sa lugar na ito.

Grabe, feel na feel ko na talaga ang pagiging probinsyana. Kulang na lang isuot ko yung damit ng mga magsasaka. Humarap ako dun sa matanda na naghihintay ng isasagot ko.

Puta, may nakikita ba sila ha? Meron?! Tang ina nyo, kayo kaya dito, dalawang oras na akong nakaupo dito, nasusunog na nga yung puwetan ko eh... Yan yung gusto kong sabihin sa matanda pero kailangan kong i-remind ang sarili ko na, nagbabagong buhay ka na Lyra, mabait ka na.

"Ayaw ng mga isda sa mga Dyosa..."

"Lagyan mo kasi ng bulate" tapos inilabas nya yung lata na may mga bulate at kinabitan yung hook ko.

Sa totoo lang, hindi ko maiwasang hindi mandiri. Yung thought kasi na kinakain ng isda yung bulate tapos kakainin mo yung isda na kumain doon? Kahit sabihin na nililinis naman yung isda.

"Maghintay ka lang, may mahuhuli ka din..."

Tang-inang yan, bibili muna ako ng tyaga at pasensya para magawa kong maghintay. Yan kaya ang pinakaayaw kong ginagawa.

Napatigil ako ng mag-ring yung cellphone ko. Nagpalit ako ng number para hindi malaman ng lahat kung nasaan ako. Parte yun ng pagbabagong buhay kuno ko. Pero dahil nga may hawak akong pamingwit at tanga yung cellphone, dumulas ito sa kamay ko at nahulog sa lawa.

"Ay tanga..." nung cellphone.

Iphone 6s yun dre... Swerte naman nung isda.

Napasandal ako sa directors chair at napatingin sa paligid. Tahimik ang lugar na ito at walang gulo, in short, iisipin mo na hindi sila nage-exist sa mapa ng Pilipinas pero kahit ganito dito, I'll admit na payapa ang utak ko.

Wala akong iniisip na Apostles, War, utang at lovelife...

I'm turning twenty four and I am BFless... Putaragis.

Hold on, pang-limang mura ko na yun ah, magagalit na sa akin si Lord. Wala ng maniniwala sa pagbabagong buhay kuno ko. Nakakabawas ganda tuloy. Maya-maya ay gumalaw yung pamingwit at may nakita akong isda.

"Tanda, may nahuli na ako!"

Agad kong hinila pataas yung pamingwit ko. Napatalon naman yung matanda at mas excited pa sa akin na hinila yung pamingwit.

"Arghh..."

Natigilan ako ng biglang kumirot ang balikat ko. Shit, hindi ko alam na ganito pala kahirap ang bagay na ito. Bumuwelo ako para maiangat yung pamingwit at makita na nakahuli ako ng sapatos.

Sapatos?

"Ayoko na!" inihagis ko yung pamingwit at naglakad palayo, iniwan ko na yung mag-asawa at magmomoment pa yung dalawa.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa sumapit ako sa may palayanan. Saglit akong tumigil at naupo sa may waiting shed. Hindi ko na pinansin yung mag-asawa kahit na paulit-ulit akong tinatawag.

Marami kayang Lyra sa mundo, pwede kong ideny na hindi ako yun.

Isang malalim na hininga ang kumawala sa akin habang hinahawakan ko ang balikat ko pababa sa palad ko. Kumikirot parin ito.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon