Chapter 13: CHANGES

162K 2.6K 291
                                    

Chapter Thirteen: CHANGES

KREISLER PLACE

CONRAD POV

“What?”

Agad akong humarap sa kanya ng makapasok kami sa isang private room dito sa Kreisler. I asked Min na iwanan kami at ganun din naman ang ginawa nya sa mga kasama nya.

He locked the door at tumingin sa akin.

“Didiretsyuhin na kita, Pisces…”

Pisces, kilala nya ako… kung ganun, isa din syang gangster. Nagpakilala lang naman ako sa lahat sa party ni Bloody Maria, posible ng gabing iyun... nandun din sya.

“Oo nga pala, unlike you… hindi ako nagpakilala sa party ni Bloody Maria”

Tama nga ako, kung ganun… isa din sya sa mga Apostles, but which one? Of course he is not Scorpio or even Sagittarius. Imposible din na sya si Leo…

“It doesn’t matter kung sino ako, what I want to know is ang side mo. Are you going against Bloody Maria or not?”

Tinitigan ko sya sa mata, from the moment na tinulungan ako ni Lyra, alam ko na ang sagot sa tanong nya but the problem is, I don’t know who is this man.

Kung kakampi sya ni Lyra at sinabi kong against ako sa kanya, baka dito pa lang… patayin na nya ako.

Hindi ko din alam ang side ng lalaking ito kaya dapat mag-ingat ako.

“Why, does it concern you?”

“Sabihin na lang natin na inaalam ko kung sino ang magiging kalaban ko…” saka nito inilabas ang baril nya at ikinasa sa harap ko bago inilagay sa mesa.

“May isang bala lang ang baril na ito, kapag nagkamali ka sa pagsagot… alam mo na ang mangyayari sayo”

Bigla naman ako napatawa sa sinabi nya kahit na alam kong seryoso sya sa bagay na yun.

“You said it dude, I’m Pisces at ako na ang pinakamahusay gumamit ng baril dito even sa lahat ng Apostles”

“Walang duda ang bagay na yun… but I’m telling you this, bago mo pa mahawakan ang baril na ito, sisiguraduhin kong tatama na ang bala sayo…”

Kung ganun, gagamitan nya ako ng bilis… Kahit gaano pa kaprecise o accurate ang pagbaril ko kung mauunahan naman nya ako sa paghawak nito, sa ganitong distansya, siguradong mapapatay nya ako.

Sa tingin ko kilala ko na kung sino sya...

“Then sa tingin ko din alam mo na ang isasagot ko“

Bahagya akong lumakad sa kanya papalayo papunta sa bintana ng kwarto I took a deep breath bago ulit humarap sa kanya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon