Chapter 43: ASSAULT

97.9K 2.5K 417
                                    

Chapter Forty Three: ASSAULT

JIREH POV

“Kuya”

Napabangon ako nang marinig ko ang boses ni Pamela. Medyo nahilo pa ako sa pagkakabangon ko ng biglaan isama pa na may hang-over ako ngayon.

Napatingin ako sa wall clock, madaling araw na pala. Kinuha ko agad ang cellphone ko at ilang misscalls agad ang sumalubong sa akin, karamihan galing sa Helena Gang.

Helena Gang…

Tsk, wala na ang Helena Gang, ano bang iniisip ko? Bumangon ako at lumabas sa kwarto, kailangan ko ng yelo para mawala itong sakit ng ulo ko.

Kuya

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kwarto ni Pamela. Lumakad ako papalapit dito at kumatok.

“Pam, gising ka pa ba?”

Lately kasi lagging nasa gimikan ang isang ito at anong oras ng umuuwi, hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. Naaalala ko noon si Liam, late na rin sya noong umuuwi, syempre, nag-aalala ako pero sabi nya sa akin, okay lang naman daw sya.

Then one day, hindi na sya nakauwi sa bahay at ayokong mangyari yun kay Pamela.

“Pam?” kumatok ulit ako pero walang sumasagot.

Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito sa loob. Siguro tulog na sya, baka singhalan na naman ako nito dahil inistorbo ko ang tulog nya.

Napaupo ako at sumandal sa pintuan ng kwarto ni Pamela, katabi lang nito ang kwarto ko at katapat naman nun ang kwarto ni Liam.

Ang bilis ng mga araw pero yung pakiramdam ko, parang kahapon lang silang nangyaring lahat. Nag-angat ako ng tingin sa may pintuan ng kwarto ni Liam.

Tuwing bubuksan nya yun, nakangiti sya sa akin at saka ako babatiin pero ngayon…

Kaasar,

Napasuntok ako sa sahig, yung isang suntok na yun, nasundan pa ng nasundan hanggang sa manlambot na ang kamay ko at ako na mismo ang sumuko.

“Pam?”

Nabigla ako ng bbumukas ag pinto at yumakap sya sa akin mula sa likod. SObrang higpit ng pagkakayakap nya kahit na nanginginig pa ang mga kamay nya.

“Kuya…”

“What’s wrong?”

Umiling lang sya habang nakasubsob ang mukha nya sa balikat ko. Kinakabahan ako kapag ganito sya sa akin, I want her to open it up to me pero dapat ko ding isipin na hindi na sya bata, may mga bagay na na hindi nya masasabi sa akin di tulad noon.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon