Chapter 22: SIBLINGS

144K 2.7K 506
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: SIBLINGS

LYRA POV

Giovanni Stephan…

Kahit hindi ko maalala ang itsura nya, naaalala ko ang buong pangalan nya at kung anong ginawa nya.

I was three back then and too scared that I thought I’m going to die. Doon ko din narealize na walang proprotekta sayo at kailangan mong kumilos para sa sarili mo. Na kung gusto mong mabuhay, kailangan mong maging malakas, malakas na malakas na maging ang kamatayan hindi mo na kinakakatakutan.

At iyun din ang dahilan kung bakit ako nagging isang GANGSTER.

I got pissed sa mga sinabi ni Cancer at isang bagay ang nalaman ko tungkol sa kanya pero parang lahat ng iyon napalitan ng malaman ko ang totoo sa relasyon naming ni Klio.

Siguro sinasadya nya talaga ito… sinsadya nyang mapalapit sa akin, sinadya nya na lokohin ako at ilihim ang totoo.

Kung hindi ko pa nalaman na kapatid ko talaga sya, buong buhay ko ba akong lolokohin nya?

Kapatid…

Tinatawag ko lang dati sa kanya yun pero iba pala talaga pag totohanan na…

Napasandal ako sa kama ko at napatingala sa kisame, sa lahat ng nangyari… ngayon lang ako napagod ng ganito, not physically or mentally but emotionally at sa oras na ito, mag-isa lang ako.

Gusto kong intindihin at tanggapin ang lahat pero sinong niloko ko? Isang bagay yun na hindi ganun kadaling tanggapin…

Kung natakot man sya o naduwag, hindi noon, mababago ang katotohanan na iniwan nya ako.

Kinuha ko ang cellphone sa pocket ko at nag-search sa phonebook ng kahit sino na pwede kong makausap.

Si Jireh… imposible dahil sigurado ako na nasa hospital na sya ngayon. Si Caleb… sigurado akong alam nya ang tungkol sa amin ni Klio…

Pati sya, nagawa nya akong lokohin ng ganun katagal. Kung sabagay, naitago nya nga ang tungkol sa pagkatao ko bilang si Bloody Maria sa loob ng tatlong taon kaya hindi na dapat ako nagugulat ngayon.

Shit! Napasubsob ako sa tuhod ko at doon ko naramdaman ang luha na kanina ko pa pinipigilan…

Hanggang ngayon, mag-isa parin ako

Nagbrowse parin ako sa mga contacts na naandoon kahit na alam ko na wala naman akong mapapala sa bagay na ito.  Shit!

Sa sobrang inis ko, ibinato ko yung phone at tumama sa salamin ng drawer ko. Nabasag ang salamin at kumalat sa sahig ang bubog nito kasama ng iba pang nakalagay doon.

Pero ang pinakaumagaw ng atensyon ko ay ang dalawang kwintas na nahulog sa sahig.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon