Chapter 54: PRONOUNCEMENT

95.6K 2.4K 632
                                    

Chapter Fifty Four: PRONOUNCEMENT

PRESENT                                                                     

ARAGON MANSION

CALEB POV

“It’s a lie…”

Saglit akong napatigil  sa ginagawa kong flower arranging sa sinabi nya. Inayos ko anng bulaklak at pinutol pa ang ilang sanga na humaharang sa ibang dahon.

“Nagpunta ka dito para tanungin ako. Sinabi ko sayo ang totoo pero ayaw mong maniwala…”

Ibinaba ko ang cutter at tumayo, pinagpagan ang yukatang suot ko at saka tumingin sa kanya.

“Mahirap talagang tanggapin ang katotohanan Montenegro, kasing hirap yun ng malaman mong si Lyra ay si Bloody Maria…”

Alam kong alam na nya ang totoo sa pagkatao ni Lyra bilang Bloody Maria, yun din ang dahilan kung bakit sya nagpunta sa akin ngayon dito para kumpirmahin ang bagay na yun bukod pa sa nangyari talaga sa pagkamatay ng kapatid nya.

Kinuha ko ang bulaklak at iniabot ito sa isa sa mga kasambahay sa mansion para ilagay sa may altar. Naglakad na ako palayo sa kanya patungo sa may pintuan.

Tapos na ang usapan na ito, nalaman na nya ang totoo at hanggang doon na lang iyun. Katulad yun ng pagtatapos ng relasyon nila ni Lyra.

“Kahit na nagpanggap si Liam na si Ophiuchus hindi parin sapat yun para patayin nya ang kapatid ko…”

Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang mga bagay bagay. Nasa sa kanya nay un kung papaano nya  tatanggapin ang katotohanan ang sa akin lang, layuan na nya si Lyra.

“Maybe Liam said something na sapat ng dahilan para patayin sya ni Lyra…”


Mas naikuyom nya ang kamao nya sa sinabi ko. Hindi magiging madali sa kanyang tanggapin ang bagay nay un. Kahit sabihin mo na okay lang talaga anng lahat, iba naman ang nararamdaman mo pero iisa lang ang sinisiguro ko…

“After saying this then I guess kilala mo na kung sino si Ophiuchus…”

Napatigil ako sa sinabi nya. Tama sya, kilala ko na kung sino si Ophiuchus at nnakakainis isipin na ganun lang pala sya kalapit sa amin.

“You are right Caleb, mahirap talagang tanggapin ang katotohanan…”

Humarap ako sa kanya at ngumiti.

“Whoever Ophiuchus is, wala na akong pakeelam pero isa lang ang sasabihin ko sayo, simula sa araw na ito, lahat ng mananakit kay Lyra itutumba ko at kasama ka na don. Kaya wag mong asahan na magiging mabait pa ako katulad ng dati, after all…” saglit akong tummigil at tumitig sa kanya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon