Chapter 35: BRINGING IN

128K 2.6K 673
                                    

Chapter Thirty Five: BRINGING IN

GENESIS POV

Bang!

Pakiramdam ko umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko matapos nyang iputok ang baril malapit sa ulo ko. Kung nagkataon at nagkamali sya ng tansya, patay na siguro ako.

O baka sinasadya nya talaga iyun…

Itinutok nya ulit ang baril sa akin at kinalabit ito, at sa ikalawang pagkakataon, napapikit ako.

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa ginagawa nya, hindi ko alam kung tinatakot nya lang ba ako pero iyun ang nararamdaman ko sa ginagawa nya sa akin ngayon.

“You know that I can kill you right now but I won’t do that…”

Saka nya ibinaba ang baril at itinabi ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas ito sa katawan ko.

Ginamit lang nila ako, sya at si Pierre para itago ang pagkatao nila at alam yun ni Vienne. Lahat sila, ginamit lang nila ako.

“Siguraduhin mo lang na hindi na kita makikita sa susunod dahil kung hindi, tutuluyan na talaga kita” at saka nya binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa ginawa nya at parang naubos lahat ng lakas ko. Nararamdaman ko pa sa ulo ko ang pagguhit ng bala na ipinutok nya.

Mas malala pa ito sa pagbaril sa akin ni Vienne noon…

Kumapit ako sa may pintuan at dahan-dahang lumabas ng sasakyan. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng kalsada at maraming sasakyan ang mabilis na dumadaan sa harapan ko.

“Sandali…”

Lumingon ako kay Yola at ipinakita nya sa akin ang mascara ni Cancer. Ang maskara ko…

Lumapit ako sa kanya para kunin ito pero mabilis nya itong inilayo sa akin.

“Aquarius and Cancer should be a couple, right?” that was the exact words I said to her a long time ago.

“But sad to say… you’re no more Apostle Cancer to me…” saka nya ako itinulak at isinara ang pintuan ng van habang hawak-hawak ang mascara ni Cancer.

Napansin ko pa ang paglayo ng van sa akin at kahit gusto ko mang habulin sya, wala na akong lakas para gawin pa iyun.

“Si Genesis ba yun?”

“Kyaahhhh Genesis!”

“Di ba nasa hospital sya?”

“Genesis oppa!!!”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon