Chapter 51: CONNECTED

101K 2.5K 546
                                    

Chapter Fifty One: CONNECTED

CALEB POV

It’s been a week…

A week and still, I don’t know what to do. This is the first time that na parang hindi gumana ang utak ko at walang pumapasok na kahit ano. Maybe it’s the result of the pain na nararamdaman ko sa kabila ng mga nangyari.

At sa kabila ng lahat ng yun, sa isang lugar ako lagi dinadala ng mga paa ko.

Napaangat ako ng tingin kay Akagi, nasa hospital ang ibang member ng Death Monarch dahil kay Ophiuchus at sya lang ang naiiwan dito para magbantay.

Tumango sya at itinuro yung kwarto kung saan sya naandoon. Dahan-dahan akong pumasok sa pintuan ng kwarto nya. Nakahiga sya sa kama habang nakabalot ng kumot.

“Lyra”

Lumapit ako at nahiga sa tabi nya, nakatalukbong parin sya at hindi nagsasalita although nararamdaman ko na gising sya.

“Umiiyak ka ba?”

“Masakit puson ko…”

Napangiti ako sa sinabi nya at bumaling ng tingin sa kanya, kahit ba naman sa ganito ng kalapit na posisyon, may isang kumot parin na humaharang sa amin.

 “Lyra”

“Wag ka nga, di tayo bati, galit ako sayo…”

Alam kong galit ka sa akin, pero sinabi ko na noon sa sarili ko na tatanggapin ko lahat ng galit mo. Alam naman natin pareho na mas galit ka sa sarili mo at dahil dun, parang gusto ko na din magalit sa sarili ko.

Yumakap ako sa kanya.

Ineexpect ko na sisipain nya ako o itutulak pahulog sa kama o di kaya magwawala sya pero nanatili lang sya sa posisyon nya. Hindi sya gumalaw at hinayaan lang ako na yakapin sya.

“If you don’t want, you can push me away…” pero hindi nya ako itinulak.

Parang ang layo-layo na nya sa akin hindi katulad noon kaya naman mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

“I’m sorry…” at saka ako sumubsob sa likod nito.

“Bakit kasi hindi na lang ikaw? Kung ikaw sana, hindi ako masasaktan ng ganito…”

She’s hurt like never before, kung ganun nagusap na sila ni Jireh. Napatawa ako sa sarili ko.

Kung pwede nga lang na ako na lang…

“Kahit ngayon lang isipin mo na ako sya para mawala ang sakit. Isipin mo na ako si Jireh…”

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon