Chapter 03: AGENT

220K 3.2K 1.2K
                                    

Chapter Three: AGENT

NEW YORK CITY

ISLY POV

“Checkmate!”

Agad akong tumayo at iniwan ang Americano na kalaban ko sa chess na napapakamot na lang ngayon sa ulo.

Isang taon…

Sapat na ang isang taon ng pananahimik at pagplaplano, I get all I need at tamang execution na lang ang kailangan ko before bumalik sa Pilipinas.

Nabalitaan ko din ang nangyaring gulo, well that was at least expected lalo na kung totoong bumalik na nga ang ala-ala nya.

Paliko na ako sa isang kanto ng hotel na tinutuluyan ko ng bigla akong mapalingon sa narinig ko.

“Lychii?”

Isang nakatalikod na babae ang kausap ng isang foreigner, hindi ko sila maintindihan dahil sa ibang language ang gamit nila pero ang boses na yun…

Possible kaya na naandito sya?

Agad akong naglakad papalapit sa kanila, gusto kong makasigurado kung si Lyra nga ang taong ito at kung anong ginagawa nya dito.

“Gumaganda talaga ang araw ko kapag nakikita kita…”

Muntikan pa akong mapasubsob ng biglang umakbay sa akin si Enzo na nakangiti. Sinundan ko ng tingin ang babae at ang kasama nito pero naglalakad na sila papalayo.

Agad kong inalis ang kamay ni Enzo sa balikat ko at tiningnan sya ng seryoso.

“Enzo Villaluz…”

“Ouch naman pre, parang hindi tayo magkakilala nyan ah hahahha…”

Sarcastic, kung hindi ko nga talga kilala sya, baka nahulog na ako sa mga panlilinlang nya. He’s the kind of person na aasarin ka at pagtritripan sa kahit anong paraan…

“What do you want?”

“Alam mo naman na gusto kong araw-araw ka na nakikita, mahal na mahal kaya kita na ayaw kong nawawala ka sa paningin ko kahit isang segundo lang…” saka sya ngumiti sa akin.

Kung ganun, binabantayan nya talaga at inoobserbahan ang mga galaw ko, that’s good dahil ganun din ang ginagawa ko.

“Pakipot kasi ako eh, gusto ko yung hinahabol ako…” saka naman ako ngumiti sa kanya.

Saglit lang ngunit napansin ko ang mabilis na pagbabago ng itsura nya bago sya tumawa ulit at tinapik-tapik pa ang balikat ko.

“Sige ba, maghahabulan tayong dalawa…”

Yeah, maghahabulan tayo… ikaw ang tatakbo at ako ang hahabol sa inyo.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon