Chapter 23: SUSPECT

163K 2.7K 443
                                    

Chapter Twenty Three: SUSPECT

UNDERGROUND CITY

HELEN POV

Did it really happen? Hanggang ngayon iniisip ko parin kung papaano gumalaw mag-isa ang mga pinto at escalator sa mall. Kung sino ang bumaril kay Genesis at kung ano ang condition ni Lyra at King.

I know hindi naman ganun kalala ang tama ni King kaya sigurado ako na ok lang sya but Lyra…

She maybe a strong woman outside pero kung totoo nga ang sinabi ni Cly tungkol sa kanya, maybe she will break down anytime and I hope na kapag nangyari yun, it will be for good.

Walang gustong makakita sa isang Bloody Maria na nagwawala at puno ng galit. Kapag nangyari iyun, hindi lang basta pagpatay ang kaya nyang gawin, it’s massacre.

“The Gemini Twins…”

Napapintig naman ang tenga ko sa narinig ko. Oo nga pala, nagpakialal na kami sa lahat noon at hindi din naming suot ang mascara ni Gemini ngayon.

“How did you know?”

Dinedma ko na lang sila at tinuloy ang paginom sa tequila ko. Hindi lang gulo at away ang uso sa UC, pati mga usapang kanto at tsismisan.

“Nagpakilala sila noon sa party ni Bloody Maria including Pisces…”

“Oi, I can hear my beautiful name from a youngster…”

Kahit hindi na ako lumingon, alam ko na papunta sya sa direksyon ko. Hindi naman magsasayang ng oras ito sa mga ganyang bagay maliban na lang kung babae yun.

“Pisces” saka tumango sa kanya yung barterder at hinagisan agad sya ng isang hard.

“Kaya pala biglang lumamig sa UC…”

Kahit malayo, ramdam na ramdam ko ang kayabangan ng isang ito. Hindi pa sya nagsasalita, lumalakas na agad ang hangin sa paligid nya.

“Oh c’mmon, alam ko naman na pinagnasahan mo din ang kahanginan ko…” at saka nya itinama ang bote na hawak nya sa baso ko for a cheers.

“In your dreams Pisces…”

Ngumiti lang sya sa akin at saka tumingin sa paligid nya. Simula ng mabuksan ulit ang UC, madami na namang gangster at syndicate ang tumatambay dito, walang araw na hindi nagingay sa UC o nagkaroon ng gulo. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ni Lyra ang bagay na ito.

Kung ayaw nya talaga ng gang war, mas mabuti na kung isarado na ng tuluyan ang UC at kalimutan na ito ng lahat. Siguro nga, naghahanap lang ng paglilibangan ang isang yun.

“Nasaan ang kakambal mo, baka bigla na lang yung sumulpot at batukan ako-”

Hindi pa tapos magsalita si Pisces ay bigla ngang sumulpot sa likuran nya si Cly at binatukan sya. Sa sobrang lakas, halos mapasubsob na si Pisces sa mesa, hindi ko nga alam kung matatawag pa na batok ang ginawa nya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon