Chapter 61: THE CALL

51.5K 1.6K 786
                                    

Chapter Sixty One: THE CALL

CALEB POV

Pinagmasdan ko si Kneel habang sumusugod ako. Sa kilos nya, alam ko na wala syang alinlangan na patayinn ako.

Hindi ako kumurap o pumikit, hinintay ko ang katana na hawak nya na lumapat sa akin.

I hurt him without knowing and I deserve that one.

Ngunit bago paman lumapat sa akin ang katana na yun ay tumigil na sya at umatras ulit.

"You're no fun Caleb... Mas gusto kong patayin ka habang nagmamakaawa, yung tipong gumagapang ka sa lupa o sobrang nasasaktan..."

Pinilit kong ngumiti sa sinabi nya, "What a loss, yun lang ang pagkakataon na ibibigay ko sayo para patayin ako pero sinayang mo..."

Tumingin ako kay Kneel, nakangiti sya sa akin pero higit pa doon, galit ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Kneel"

"Don't say my name na para bang nag-aalala ka..."

Ayoko sanang umabot pa sa ganito ang lahat, ayoko na masaktan pa namin ang isat-isa para lang maintindihan nya ako at ganun din ako sa kanya.

"Hindi lang ikaw ang nawalan..."

"Talaga?" huminga sya ng malalim at napatapik sa noo nito.

"Kahit ba minsan naisip mo ang nararamdaman namin? Ni Lowell? Kahit minsan ba naisip mo na sana buhay pa ngayon si Master Caleb?"

Aaminin ko, malaki ang kasalanan ko sa kanila at ako din ang dahilan kung bakit namatay sila. I killed my own father and I let Lowell die in Scorpio's arm.

"Hindi mo naisip yon, dahil isa lang ang laman ng utak mo, si Lyra. Tama ako hindi ba?"

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko, gusto kong marinig lahat sa kanya mismo. Kung bakit nya ginawa ang bagay na ito.

"Kaya naman... kaya naman naisip ko na kung mawawala si Lyra baka maramdaman mo din yung sakit na naramdaman ko, kung anong pakiramdam na mawala sayo ang lahat. I tried to kill her but sad to say, she's Bloody Maria, sa halip na mamatay sya, nabura lang ang alaala nya. Hanggang sa mga oras na yun, si Lyra parin ang inisip mo. Naisip ko tuloy, kung nagawa mo yun kay Lyra noon, bakit hindi mo ginawa kay Lowell?"

Saglit syang tumigil at humugot ng malalim saka huminga. Tama nga naman, bakit hindi ko ginawa kay Lowell? Siguro dahil, selfish akong tao.

"About Liam..."

Bumaling sya sa akin at ngumiti ulit saka hinampas hampas kung saan ang katana nito.

"That kid was part of my plan against the Montenegro but would you believe, even though he is my brother, I plan to kill him? Ganun kalaki ang galit ko sa kanila..."

Teka, hindi ko yata inaasahan ang isang yun. Papaano nya naging kapatid si Liam? Isa syang Montenegro, pero sa mga sinasabi ni Jireh at ginagawa nito, mukhang hindi nya rin alam ang bagay na yun.

"Ganun ako kasama Caleb at dahil masama akong tao, baliwala lang sa akin kung papatay ulit ako ng isa pa sa mga kaibigan ko..." at itinutok nito ang katana nya sa akin.

Naiintindihan ko na, galit sya sa mga Montenegro kaya ginamit nya si Liam para maghiganti dito at si Lyra naman ang ginamit nya para sa akin pero isang Apostle si Lyra and above all of that, she is the queen of the gangsta. Para matalo sya, kailangan nya ang iba pang Apostles that's why kinukuha nya ang mga maskara nito.

If he get more power, madali na para sa kanya na talunin ang isang Bloody Maria. Since my kaugnayan ako kay Lyra at ganun din si Jireh, magiging madali na lang ang paghihiganti nya sa amin kapag nawala na si Lyra.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon