Chapter 39: UNVEIL

113K 2.5K 601
                                    

Chapter Thirty Nine: UNVEIL

CALEB POV

“Caleb, nasa Japan si Lyra”

Napatigil  ako sa pagpupush up sa sinabi ni Kneel pagkatapos ay itinuloy ko ulit ito. Pawisan na ang buong katawan ko at may kadiliman pa sa lugar na ito. Nasa tabi ko si Kneel at nakaupo habang bagsak ang mga paa nya.

“Wala ka man lang bang gagawin?”

Itinuloy ko ang ginagawa ko at sa bilang na lima ay tumigil saka nagpunas. Alam ko na nagpunta sya sa Japan dahil tinawagan ako ni Klio at sinasabi na pabalikin ko ang kapatid nya, halos isang lingo na din yun.

Hindi pa maayos ang paa ni Lyra kaya naman nag-aalala si Klio sa kanya, kahit naman ako.

“Bakit ba tuwing may nangyayari, ineexpect nyo na may gagawin ako?”

Kumuha ako ng yukata at nagbihis. Alam ko na darating ang araw na ito at kung papaano ko haharapin si Lyra pagbalik nya, yun ang dapat kong pagisipan.

“Dahil---“ hindi na itinuloy ni Kneel ang sasabihin nya. “Ok lang ba talaga sayo?”

Ok? Sa buong buhay ko ngayon lang yata ako mahihirapang magpaliwanag. Ayoko ng balikan ang nakaraan pero hindi ko din naman ito pwedeng takasan.

Ang nakaraan kung bakit ganito ako ngayon.

“Wala naman akong balak itago sa kanya ang pagkatao ko at isa pa, alam ko na darating ang araw at malalaman nya din ang totoo…”

“Hindi naman yung ang iniisip ko. Kapag nagkataon---“

“Kneel”

Naiintindihan ko si Kneel, pero ganun talaga, for me to be strong, to protect her, I must face what I leave behind.

JIREH POV

“Kuya”

“Pamela…”

Napayuko ako ng biglang tumalon sa likod ko si Pamela. Ano na naman kayang problema at naglalambing na naman ang isang ito?

“Magkamukha talaga kayong dalawa, gusto ko ng maniwala kay Ryo na ampon ako”

Napatingin ako sa picture sa harapan, si Liam. Ilang taon na din simula ng mamatay sya. Pinalabas lang sa media na accidente ang nangyari sa kanya pero alam naming lahat ang totoo.

Naandoon ako ng patayin sya at wala akong nagawa.

Pinapanuod lang sya ng mga Apostle habang pinapatay ni Bloody Maria. Wala man lang gumalaw kahit isa sa kanila para tulungan sya kaya naman nangako ako na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko pero…

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon