Chapter 67: THE LAST BATTLE

151K 3.5K 1.5K
                                    



Chapter Sixty Seven: THE LAST BATTLE

THIRD PERSON POV

"Fuck the fucking tape..."

Napadura si Lyra sa kinatatayuan nito, narinig pa nya ang boses ni Caleb at Jireh na napasigaw ng pangalan nya. Lumingon ito sa baba at natanaw nya ang dalawa na nakikipaglaban pa din.

Blood...

Tiningnan ni Lyra ang sugat nito na dumudugo saka bahagyang nag-inat. Kung hindi bumigay at nanlambot ang tuhod nya, hindi sya mapapaluhod at matatamaan sya ng bala mismo sa ulo nito. Mabuti na lang at bumagsak sya kaya sa balikat sya tinamaan. Nagawa pa nya itong i-tapat sa may sikmura nya at napatawa na lang.

"Ok lang yan, malayo sa bituka..."

Pinunit ni Lyra ang damit nito at itinali sa sugat nya, sa lahat ng pinagdaanan nya, baliwala na lang ang isang ito. Nag-angat ulit ng paningin si Lyra at nakita nito na tumatakbo na ulit palayo si Kneel sa kanya.

"Bwiset, gera ito hindi habulan..."

Patuloy sa pagtakbo si Lyra habang hinahabol nito si Kneel at halos madulas sya dahil sa bilis ng takbo nilang dalawa. Napayuko si Lyra at iniikot ang katana nya sa paligid nya ng paulanan sya ng putok ni Kneel.

Napahakbang si Lyra para habulin ulit ito ng makarinig sya ng sunod sunod na yabag papunta din sa direksyon nya. Itinabi nito ang katana at patuloy na tumakbo paakyat.

May mga ilan pa ang sumalubong sa daraanan ni Lyra, handa na ang mga ito para atakihin sya pero iniwasan ni Lyra ang unang sumugod sa kanya at iniyuko ito saka sya tumalon sa likuran nya at ginamit itong tuntungan bago tumalon sa kabilang bahagi ng mga kasama nito.

Yumuko si Lyra sa isa pa na nasa likod nito para umiwas at saka umakyat sa may hagdanan. Nakakailang hakbang palang si Lyra ng mapatigil ito dahil may mga tauhan din si Ophiuchus na galing sa taas at pababa sa kanya.

Humakbang pabalik si Lyra pero nasa baba pa nya ang mga gangsters na kanina lang ay nalusutan nya. Tumalon sya at inabot ang isang tubo sa kisame at lumambitin dito. Sinipa nya sa ulo ang isa sa mga ito na nakaharang sa daan nya.

Pagkabitaw ni Lyra ay lumapit ito sa isa sa kanila at hinawakan ang kamay na may baril saka pinilipit ito bago itulak sa mga kasama nya. Sunod na nilapitan ni Lyra ay ang nasa likod nito. Hinawakan nya ito sa batok at malakas na iniumpog sa pader saka ulit napatakbo palayo sa mga ito.

Muntikan ng mapasubsob si Lyra dahil sa katana nito na nakalimutan nya na mahaba pala at tumama sa sahig. Mabilis din naman syang nakatayo ng ayos at ipinagpatuloy ang pagtakbo.

"Bloody Maria!"

Isang lalaki ang nag-aabang sa harapan ni Lyra ng makaliko ito sa isang kanto. Tumuntong si Lyra sa may bintana at tumalon sa likod nito saka itinulak papalayo ang lalaking tumawag sa kanya.

Mas mabuti na iwasan nyang makipaglaban sa mga ito at magsayang ng lakas dahil unang-una, si Ophiuchus ang pakay nya. Alam nyang ginagawa ito ng kalabang Apostle para pagurin sila.

Pero hindi parin tinantanan si Lyra ng mga ito, napailing na lang ang Queen of Gangsta dahil parang hindi nauubos ang kalaban nila. Tumapak si Lyra sa doorknob ng isa sa mga pinto ng lugar at saka inabot ang fluorescent lamp na nasa kisame ng hallway. Nilambitinan nya ito hanggang sa matanggal ang kabilang dulo saka inihampas sa mukha ng isa sa nasa likod nya.

Napasulyap si Lyra sa bintana, mula sa kinalalagyan nya ay tanaw nito ang mga kasama na patuloy paring nakikipag laban. Huminga ng malalim si Lyra saka nagpatuloy sa pagtakbo, kailangan nyang maabutan si Ophiuchus.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon