Chapter 44: ALONE

98K 2.4K 867
                                    

Chapter Forty Four: ALONE

KYLE POV

He is Libra at alam  ko na alam din yun ni Enzo pero hindi nya sinabi sa akin and just now, I realized, the invitation he sent me sa party ni Bloody Maria, sigurado ako na para kay Libra yun at kinuha nya lang saka nya ibinigay sa akin.

“Kyle Benedict”

Napaangat ako ng tingin sa lalaki sa harapan ko, kung ako ang head ng NBI, sya naman ang head ng Interpol. Tsk, what more do you except sa Head Mistress ng Wimbledon? Taga Interpol agad ang tinawag nya.

“Since you’re the head of NBI, alam mo na kung anong gagawin mo…” saka nya ipinatong ang isang blangkong papel sa harapan ko.

Report.

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang ballpen at nagsimulang magsulat. Hindi ko rin naman basta basta matatakasan ang bagay na ito since may evidence sila laban sa akin.

Pumunta ako sa Wimbledon para malaman ang tungkol kay Lyra Salcedo but I ended up writing a report dahil sa nangyari and that is because of that kid.

“That kid, kilala mo ba sya?”

“Sino? Yung tinutukan mo ng baril?”

Sa tingin ko sinasadya nya ang bagay na ito, sinabi nya talaga sa akin na sya si Libra para mapunta ako sa sitwasyon na ito. Sigurado din ako na alam ni Enzo ang tungkol sa bagay na ito at hinayaan nya lang ako.

I don’t want to think na inilalaglag nya ako pero kung ganun nga, hindi ko na dapat asahan si Enzo. Sa kanya ko nakuha ang impormasyon ng mga Apostles, sapat na yun para makakilos na ako sa sarili ko.

Naitumba ko nga si Klio Nerraw o Apostle Aries, magagawa ko din yun sa iba pang mga Apostles.

“Yeah, he is Isly Resurreccion”

Binuksan nya ang isang files sa harapan ko at bahagya itong binasa saka ipinakita sa akin. Profile ito ni Isly.

“Oo, sya ang top notcher sa batch nila. Sa pagkakaalam ko, may offer sa kanya na mag-aral sa Harvard pero tinanggihan nya”

Tinggihan? Ibig sabihin, wala talaga syang balak mag-aral sa ibang bansa kung hindi dito lang sa Pilipinas at sa Wimbledon pa mismo, bakit? Dahil sa isang rason, nasa Pilipinas ang mga Apostles.

“Anything else?”

Gusto kong malaman kung ano ang magiging plano nya at kung bakit hanggang ngayon, hindi parin nakukuha ni Enzo ang amskara ni Libra sa kanya.

“Katulad nang kung may involvement sya sa Helena Gang o sa kung ano paman…”

Sigurado ako na may kaugnayan sya sa kanila at possible din kay Lyra Salcedo. Although Libra is known as an observer, sa ginawa nya sa akin, may pinaplano sya katulad ng iba pang Apostles.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon