BLOOD 70: FINALE

3.7K 107 2
                                    

“KATH!” Narinig ko ang boses ni Kuya Sam.

“Kuya!!!”

“Mukhang nakuha mo ang kapanyarihan, ha?” Sabi nito.

“Oo. Pero paano natin mapipigilan si Lia?” Tanong ko na may halong pag-aalala. “At saka si Daniel. Malubha ang kalagayan niya.” Pag-aalala ko.

“May isang paraan upang maibalik ang lahat sa ayos.” Sabi ni Kuya.

“Ano iyon?”

“Ang ibalik ang isang tapyas ng hiyas sa dating kalalagayan nito. Ang tapyas na iyon ang bahagi ni Lia. Sa oras na ito ay maibalik, kasama nitong maglalaho ang kaluluwa ni Lia at maaayos ang lahat ng bagay na kanyang nasira maging ang kanyang mga napaslang at nasaktan.” Sabi naman ni Papa.

“Pero wala ng oras para hanapin pa iyon, Papa.” Sabi ko.

“Meron, dahil matagal mo ng nahanap iyon, Kath.” Sabi nito.

“Anong ibig mong sabihin, Papa?”

“Ang kwintas. Ang kwintas na ibinigay ni Daniel sa iyo. Iyon ay nanggaling sa akin na ibinigay ko sa iyong kuya at ibinigay niya naman kay Daniel. Naroroon ang tapyas  ng hiyas. Ang nasa pendant nito ang tuluyang gagapi kay Lia.” Sabi ni Papa.

Noong sinabi niya iyon, kaagad kong inilibas ang kwintas at inilagay sa ayos nito doon sa hiyas na dala-dala ni Kuya. Nakita ito ni Lia pero huli na ang lahat ng sugurin niya kami. Nailagay ko na ito sa tamang ayos. Yun nga lang, parang may napansin ako sa likuran nito. Ipinagwalang bahala ko ito dahil pare-pareho kaming tumalsik dahil may malakas na pwersa ang lumabas mula sa hiyas.

Nakita ko kung paanong tumama ito kay Lia at binalot siya sa kalangitan. Unti-unti kong nakikita ang kakaibang espiritung lumalabas sa katawan ni Bea at nilalamon ng kung anong bagay na lumabas mula sa hiyas. Unti-unting bumaba ang katawan ni Bea habang bumabalik ang bagay na iyon sa hiyas. Nang tuluyan na itong kumabit sa hiyas ay isang malaking liwanag naman ang lumabas mula rito at ng nawala iyon, lahat ng bagay na nasira dahil kay Lia ay bumalik na sa dati.

Dali-dali kong pinuntahan si Daniel. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nawala ang sugat na nilikha ng punyal ni Lia at maayos ang kanyang paghinga.

“Daniel.” Bulong ko, “Gumising ka na oh? Please? Tapos na ang lahat. Natapos natin ang lahat.” Sabi ko pero hindi pa niya imunumulat ang kanyang mga mata.”

“Daniel. Ui.” Sabi ko pa. “Gumising ka na.” Muli kong sabi pero hindi siya nagigising. Halos mangilid na ang luha ko dahil gising na rin si Bea.

Nagdatingan na rin ang mga kaibigan namin. “Kamusta kayo?” Tanong ni Julia.

“Ayos lang sila, bumalik na si Bea sa dati!” Sigaw ni Kuya  Sam habang hawak-hawak si Bea. Nais ko man siyang pasalamatan kaagad, hindi ko magawa dahil hindi pa rin gumigising si Daniel.

“Eh si Daniel?” Sabi naman ni Quen.

“Hindi pa rin siya gumigising, Quen.” Sabi ko. “Anong gagawin ko?” tumulo na ang luha ko sa labis na pag-aalala. “Akala ko ba babalik ang lahat sa dati?”

“Maghintay lang tayo, Kath. Baka labis na nanghina ang katawan ni Daniel kaya naman nahirapan siya sa panunumbalik ng lakas niya?” Sabi naman ni Lexi.

“Ui. Daniel.” Sabi ko pa, “Gumising ka na.”

Pero hindi pa rin siya gumising. Napaiyak na ako at napasubsob sa kanyang dibdib. “Bakit ba ayaw mo pang gumising? Bakit ba? Nag-aalala na ako sa  iyo. Parang awa mo na, imulat mo na ang iyong magmata. Please, Daniel!” Humagulgol na ako ng iyak. Nag-aalala akong baka hindi na siya magising pang muli.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon