BLOOD 58: ?

4.1K 131 25
                                    

KATH'S POV

“Shit.” Narinig kong sabi ni Quen.

“Calm down, Quen. Maaayos din natin ito.” Batay sa boses ni Julia, halatang nag-aalala na rin siya.

Sino ba naman ang hindi mag-a-alala? Kung baga sa batas ng tao, wanted na kami. Hindi lang ‘yon. Gusto nilang dalhin nila kami sa konseho ng patay na. Ilang immortal ba meron sa mundong ito? Kahit yata mangibang bansa kami hindi kami ligtas eh.

“So, anong plano natin Sam?” Tanong ni Quen kay Kuya Sam. Naroon lang siya sa driver seat. Nakapikit. Halatang nag-iisip ng plano. Kinakalma ang kanyang sarili. Hindi naman siya sumagot kaya tila nainis si Quen. Frustrated na rin siya. Sa sobrang inis, sinipa niya ang gulong ng sasakyan.

“Easy, Quen.” Sabi naman ni Daniel.

Nasa isang liblib na lugar kami. Medyo mapuno para hindi kami malocate ng kahit na sino. Hindi muna kami dumiretso sa lola ni Quen. Baka kasi masundan o kaya matunugan na nandoon kami. Kawawa naman ang lola ni Quen, madadamay.

“Sam, it’s better for us to hide first.” Suhestiyon ni Bea.

“I think Bea’s right.” Sabi naman ni Julia.

Gumalaw at nag-inat inat si Kuya. Imbis na sumagot ito ay sinuklian kami ng isang ngiti na kinainis ni Julia.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon