BLOOD 42: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (3)

5.1K 145 15
                                    

THRYNA'S POV

Lungkot. Pangungulila. Ito lang ang naramdaman ko mula noong umamin ako kay Niel. Mula kasi noon, hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nawala. May kakaibang pwersa sa akin na hanapin ko siya pero may isang parte sa akin na nagsasabing baka ikinasal na siya at masaya na siya sa kung anong meron siya ngayon.

"Malungkot ka na naman." Hindi ko napansin si Kuya Sam, "Parati ka na lang andito sa hardin."

"Dapat pala hindi ako umamin. Sana ngayon, nakakasama ko pa siya." Nagbuga ako ng hangin at tumingin sa mga bulaklak sa tabi ko.

"Wag mong sabihin yan, bunso. Kung mahal ka rin niya babalik iyon. O kaya baka may suliranin lang siyang kinahaharap ngayon." Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Kuya kaso parang ang hirap.

"Gusto ko siyang hanapin, Kuya." Sabi ko mula sa kawalan.

"Hindi maaari ang iyong hinihiling, bunso. Alam mo naman, hindi ba? Malapit na ang pagbilog ng buwan at malapit ka ng magpalit ng anyo at kapangyarihan." Hinawakan niya ang aking mga pisngi at ginulo ang buhok ko, "Wag kang mag-alala. Sigurado ako, babalik ang Niell na yan."

Ngumiti ako pero alam kong hindi yun masasabing ngiti. Mas lumabas itong ngisi kaysa isang ngiti.

"Bunso, kapag nakuha at napag-aralan mo na ang iyong kakayahan, magagawa mo na siyang hanapin muli. Mas magiging madali ang paghahanap mo." Sabi ni Kuya habang hinahagod ang aking likod na tila nagpapanatili sa akin sa estadong napakakomportable.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon