BLOOD 69: FACE OFF

2.8K 98 2
                                    

“DANIEL!” Sigaw ko.

Parang tumahimik bigla ang paligid. Siya lang yung nakikita ko sa buong panahon na iyon. Nanghihina siya at tila unti-unting pinapanawan ng malay.

“M-mag-ingat ka. Tumakas ka na sa abot ng iyong makakaya, K-Kath.” Sabi ni Daniel.

“Hindi. Tatakas tayong dalawa rito, Daniel.”

“Iwanan mo na ako, wag ka ng makulit.” Sabi niya ng utal-utal.

“Hindi! Hindi ako papayag!” Sabi ko.

“M-mahal k-kita, Kath.” Sabi ni Daniel bago ito tuluyang panawan ng malay.

“Oh, ang sweet niyo naman!” Sarkastikong sabi ni Lia. “Oh sumunod ka na sa kanya!”

“Lia.” Bulong ko na nakapagpatahimik sa kanya, “Ganyan ka ba naiingit sa akin? Sagad na sagad ba sa buto ang inggit at galit mo sa akin? May dapat ka bang ikagalit sa akin? Pareho tayong walang alam.” Tuloy tuloy kong sabi habang unti-unting tumatayo.

“Inagaw mo ang lahat ng sa akin, Kath. Kaya paanong wala kang alam!!!!!?” Sabi ni Lia at ibinato ang isang bolang itim papunta sa akin pero laking gulat ko ng masangga ito ng mga braso ko.

“Wala akong inagaw sa iyo, sadyang wala lang natira sa iyo!”

“Anong sinabi mo?”

“Wala akong inagaw sa iyo dahil wala talagang natira para IYO!!!!” Sa pagharap ko muli kay Lia, parang may kakaibang lakas akong naramdaman ang napansin kong biglang may puting liwanag ang sa akin ay bumalot. Pati si Lia ay nagulat.

“Aking Anak.”

“Ina?”

“Aking Anak. Ingatan mo ang kapangyarihang mayroon ka. Sa wakas ay napasaiyo na ito ng tuluyan. Gamitin mo sa ikabubuti ng ating lahi. Gamitin mo ito upang mailagay ang lahat sa tamang ayos nito. Ikaw na ang bahala sa malakas na kapangyarihang ito. Gamitin mo ito ayon sa kung ano ang na sa iyong isipan. Ito ang aking pamana sa iyo. Ang kapangyarihang sumasakop sa lahat ng elemento ng mundo gamit ang iyong isipan. Nawa’y magamit mo ito upang magapi ang iyong kapatid. Tulungan mo kami ng iyong ama upang mapatahimik ang kaluluwa ng iyong kakambal.”

Sa pagkawala ng puting liwanag na iyon, bigla kong naramdaman ang kakaibang kangyarihang bumabalot sa aking katawan.

“Iyan na ba? Iyan na ba ang pinagmamalaki nila, Kath?! Magiging masaya ito!!!!”

“Alam mo ba, Lia, kung bakit walang natira para sa iyo?”

“Wala akong pakialam!” Muling naghagis ito ng bolang itim papunta sa akin pero hinarang ko ito sa pamamagitan ng aking kapangyarihan.

“Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo kay Daniel!!” Sabi ko at saka ko siya sinugod.

Walang nagpapatalo sa aming dalawa. Parehong kaming may angking lakas. Dahil sa isipan ang ginagamit upang mapagana ang aking kapangyarihan, natutunan ko itong gamitin sa maikling panahon lamang. Nasasangga ko lahat ng tira ni Lia at ganoon din naman siya. Ngunit ng magkaroon ako ng pagkakataon, pinilit kong patamaan siya ng bola ng tubig mula sa kanyang likuran. Mahina ang katawan ni Bea sa tubig sapagkat Pheromones ang gamit niya. Doon biglang nanghina si Lia.

“Itigil na natin ito, Lia.” Sabi ko sa kanya.

“Hindi tayo titigil! Hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapatay!!!!”

Bigla na lamang lumutang si Lia papunta sa langit at tumawa ng malakas, “Alam kong malakas ka na Kath pero hinding hindi mo madadaig ang kapangyarihang meron ako!”

Iniawang niya ang kanyang dalawang kamay sa langit at sa ilang sandal lang, may kung anong kapangyarihan ang lumabas dito.

“Ang bolang ito ang bubura sa isang bahagi ng mundo. Sisirain ko ang mundong ito at hinding hindi mo ako mapipigilan! Sisiguraduhin kong kasama ka sa mga mamamatay, KATH!”

“Hindi mo magagawa iyan, Lia!” Sinubukan ko siyang sugurin ngunit may kakaibang barrier na ang nakapaligid sa kanya.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon