BLOOD 33: LOVE CURSE

5.7K 120 9
                                    

RICK’S POV

A/N: Ngayon lang siya nagka-pov. HAHAHAH.  (^_^)V

=======================

“Julia.” Mahinang tawag ko sa babaeng papasok na sana sa kwarto niya.

“Yes, Rick?” Lumapit ito sa akin pero napatungo naman ako.

“Maaari ba akong humingi ng pabor sa’yo?” Sabi ko pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso. Itinatago ko rin ‘yung kanang kamay ko. Hindi niya pwedeng malaman. Ewan ko. Simula ng nalaman ko ang nakaraan, ayun, para na akong tanga. Laging alone, lagging nag-iisa.

“Tumingin ka muna sa akin bago ka humingi ng pabor.” Sabi naman ni Julia.

Mukhang napansin naman ni Julia ang hindi ko pagtingin sa kanya kaya unti-unti ko siyang tinignan.

“Bakit parang may galos ka, Rick?” Sabi niya ng makita niya ang cut malapit sa mata ko.

“Ah. Wala ito.” Sabi ko, “Pwede ba akong makipagpalit ng room sa’yo?”

“Bakit?” Sabi niya.

“I…” Then I cleared my throat, “I just can’t be with her. Criminal ang tingin niya sa akin. Ayoko naman na pahirapan pa siya. Kahit masakit, sige lang.”

 

 

 

 

 

 

“Eh nasasaktan ka pala, bakit hindi mo kausapin?” Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Julia pero kaagad din namang nawala iyon.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon