BLOOD 43: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (4)

4.6K 134 14
                                    

THRYNA'S POV

“NIELL…” Ang tinuran ko ay hindi isang bulong kundi isang malumanay ngunit malakas na boses. Nagulat ako sa nakita ko. Nagulat akong nandito siya. Nagulat akong nagpakita siya. Pero bakit ditto pa? Bakit sa ganitong oras pa na makikipagkita ako sa aking mapapangasawa?

Ganito ba kalupit ang tadhana sa akin? Bakit pa kasi ako hinayaan ng pagkakataon na maging isang nilalang na nahulog sa binatang tulad ni Niell?

Sabi ni Kuya, hindi raw niya nakita si Niell, ang ibig sabihin ba nito, pumunta si Niell ditto mag-isa? Pero para saan?

Hindi ko namalayang lumapit pala si Niell sa akin. Unti-unti niya akong hinawakan sa kamay, tanda ng pag-alalay niya sa akin papunta sa upuan. Hindi ko pa rin alam kung saan ako huhugot ng lakas. Nanghihina ako.

Halatang nangulila ka sa kanya ng matagal, Thryna. Mapang-asar talaga ang isang bahagi ng isipan ko. Alam niya kung saan ako mahina. Pero, kung katotohanan ang pag-uusapan, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin ng maglapat ang aming mga balat. May kakaiba akong naramdaman. Parang kung maaari ko lamang siyang yakapin noong mga oras na iyon, malamang, ginawa ko na. Kaso hindi, kasi baka magkagulo lamang ditto sa palasyo.

“Kamusta ka na?” Bati niya sa akin pero sa pamamagitan ng isang bulong.

“A-ayos lang.” Sabi ko na mautal-utal pa.

Bakit hindi ka nagpakita? Bakit bigla kang nawala! Bakit? Bakit ngayon ka pa bumalik, Niell? Nanunukso ka ba? Ito ang mga nais kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawang masabi sa kanya. Bakit? Sapagkat wala akong karapatan.

“Hindi mo ba tatanungin kung kamusta na rin ako?” Bulong niya habang akmang uupo sa tabi ko.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon