BLOOD 31: IMPRINTED DESTINIES

5.9K 150 10
                                    

 

JULIA’s POV

 

 

 

“Wala pa ba sila?” Tanong ko kay Sam. Nasa dinner table na kaming lahat maliban kina Lexi at Kath.

“Parating na ‘yun” Sabi naman ni Sam.

“Tss.” I murmured.

“Ang init yata ng ulo mo ha?” Sabi ni Sam.

Tumahimik lang ako. Sino ba kasing hindi maiinis? Halata naman kasing pinagtitripan nila kami nila Kath eh. Akala ba nila masaya? Akala ba nila nakakatuwa yung ganito? Na kahit magkasama kami ni Quen, wala pa ring kibuan. Masakit kaya? Hindi naman ako nainis talaga sa ginawa nila eh, naiinis ako kay Quen. Hindi ko alam kung anong problema. Siya nga itong nawala ng bigla-bigla eh tapos siya pa ata ang gusting magpa-baby! Aish. Nakakainis!

 

 

 

 

 

 

“Sorry, we’re late.” Dumating na rin sila sa wakas, “Ito kasing si Kath, iginigiit na andun si Daniel sa kwarto niya kanina. Eh ang himbing himbing naman ng tulog.” Tinignan ko naman si Kath, ayun nakayuko.

“Tara kain na tayo.” Sabi ko and we started. All this time, hindi kami nagpapansinan ni Quen. Hay. When we finished eating, I decided to go outside para magpahangin.

Malamig ang simoy ng hangin. Pinlano kaya talaga nila Sam ang bakasyon na ito? Feeling ko kasi, oo. Kaso parang hindi naman magwowork-out ito. Mapapagod lang sila na ayusin ang gusot na ito.

“Sarap ng hangin no?” Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

“Quen…” Sabi ko habang inaayos ang sarili para kunwari hindi ako nagulat.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon