BLOOD 44: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (5)

4.9K 130 24
                                    

THRYNA'S POV 

Nagulat ako ng makita ko na lamang si Niell sa likod ko palapit sa kinatatayuan ko. Lumingon ako sa aking Ina ngunit sinuklian niya ako ng isang ngiti. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat.

Ito nga ba ang tinatawag ni Kuya na tadhana? Ito ba ang tinatawag na nakatakdang mangyari? Kung ito nga, sobrang saya ko. Sobrang ligaya ko na ang nakatadhana sa akin ay ang taong mahal ko.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang lumisan na pala sa lugar ang aking ina. Kaming dalawa na lamang ni Niell ang natira sa sulok na iyon. Unti-unti niya akong nilapitan at hinagkan. Napakasarap ng yakap niya. Napaka-init. Tila ito ang nagbigay sa akin ng kakaibang lakas muli upang magsimula.

“Paumanhin, Thryna…” Bulong niya sa akin habang mahigpit akong nakakulong sa kanyang mga bisig, “Paumanhin kung umalis ako ng walang paalam. Paumanhin kung inakala mong iniwan kita.”

“Bakit ka ba umalis, Niell? Bakit mo ako iniwan ng walang pasabi?” Sabi ko naman.

Lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ako sa aking mga balikat. Itinungo niya ang kanyang ulo upang tignan ako sa aking mga mata, “Mula noong sinabi mong mahal mo ako, sabik na sabik akong makasama ka ng panghabambuhay.” Bulong niya, “Akala ko noong una, hindi kita mamahalin, pero noong iniligtas kita mula sa pagtatago ko sa mga puno, nag-iba ang takbo ng lahat. Para kang anghel na bigla na lamang ibinigay sa akin ng langit. Nagkaroon ako ng kakaibang nararamdaman para sa iyo noong mga oras na iyon…”

 

 

 

 

 

“Anong ibig mong sabihin, Niell?” Tanong ko dahil sa pagtataka ko. Nagtatago? Ang akala ko noo’y nangangaso rin siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Noong panahon na nakita mo ako sa gubat, sinusundan talaga kita. Ikaw talaga ang pakay ko.” Sabi niya. Malumanay ang boses niya na at kitang kita ang sinsiridad sa kanyang mga mata. Namilog ang aking mga mata sa aking narinig.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon