BLOOD 32: MISERIES OF PAST

5.7K 121 6
                                    

 

LEXI’S POV

Umalis si Julia after niya kumain. Maya-maya’y sumunod na rin si Quen. Noong wala na ‘yung dalawa, nakita ko naman sina Kath at Sam, ayun, nagngingitian. Alam ko naman ang plano ng mga ito eh. Mapapagod lang ‘yan sila. Wala kasi akong balak na kausapin ang kriminal na ito.

“Yow, Lexi. The food is waiting for you.” Winawagay ni Kath ang kamay niya para kunin ang atensyon ko, “Kanina ka pa tulala diyan eh.”

 

 

 

 

 

 

“Oh,” Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko noong napalingon ako kay Rick. Katabi kasi siya ni Kath. Ewan ko. May kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya. Kilalang kilala ko siya. Alam ko at sigurado akong may kakaiba sa tingin niya na yun. “Don’t mind me. I just…” Then I looked at him again, nakayuko na siya, “…lost my appetite.”

 

 

 

 

 

 

Tumayo na rin ako. Nagdirediretso ako sa kwarto ko, ay, namin pala ni Rick. If I will just have the opportunity to have other rooms, malamang, nagpalit na ako ng rooms. Hindi ko naman kasi maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito, hindi ko alam kung galit ba ako kay Rick o sadyang hindi ko lang matanggap ‘yung nakaraan? Gulong-gulo na ako.

Actually, kanina, he didn’t stay with me. Pagpasok na pagpasok niya, he transformed into a small animal at sa ibang lugar nagpunta. Pabor naman sa akin ‘yun kasi hindi pa ako ready na makasama siya.

Napalingon ako sa bintana. Nakita ko sina Quen at Julia. They were kissing. Parang may kutsilyong tumurok sa puso ko. Mabuti pa sila, nagkaayos kaagad. Sabagay, mababaw lang naman ang conflict nila. Hindi nila dapat pinatatagal ang gayong mga awayan. Maya-maya’y naaninagan ko ang mga pula nilang mata.

“They were imprinted. They are destined to each other.” Bulong ko sa aking sarili. “Buti pa sila.” Sinara ko na lang ang bintana at humiga na lang sa kama.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon