BLOOD 6: CONFUSED

10.4K 222 23
                                    

<=-KATHRYN’s POV-=>

Nakapikit ang mga mata ko pero naririnig ko ang usapan nilang lahat and I knew where I was. I am in a hospital. Naririnig ko ‘yung sob ni Tita, feeling ko sobrang nag-alala siya para sa akin. Gising na ako pero ayaw ko pang idilat ang aking mga mata. Medyo nahihiya ako sa mga nangyari…

Pero…

Wait…

Ano nga bang nangyari? Unti-unti kong binalikan ang mga naganap pero bakit wala akong mahalungkat sa utak ko? Ang huli kong natatandaan eh yung nandun na ako sa kotse… ‘Yung mga galabugan ng paa… at yung pag-stay ko sa veranda. Wala ng iba… pero bakit… andito ako sa ospital? May sakit ba ako? Ang gulo naman !!!

“You don’t have to worry anything… she’s incredibly fine.” Narinig kong sabi ng doctor. Kung ok lang ako, bakit nila ako dinala rito?

“Huh!? Pero Doc, we saw her na nakahiga sa may veranda, tapos nanginginig at parang natatakot…” Sabi ni Tita Ruth na medyo pataas na ang boses. Ako? Nanginig at natakot? Bakit parang wala akong natatandaan? “How come that she is fine after those screams that we heard?”

“Hon…” Pigil ni Tito Jun. Naguguluhan na talaga ako. Wala akong maalalang nangyari kanina.

“I think, this is a sort of nervous breakdown… Malawak ba ang imagination ng inyong anak, Mrs.?” Tanong nung doctor.

Bago ko pa man narinig ang susunod na magsasalita, naramdaman kong may humawak sa kamay ko… napakahigpit. Warm, soft hands, that I can even feel that I am safe. Si Daniel. Alam kong si Daniel ‘yun. I can also remember his worried face kanina sa kotse. “Yes, Doc.” Sagot niya. “I definitely knew for I am the companion of Kath every time of the day…”

“Alright, that’s it. It comes out na may kinatatakutang isang bagay ang inyong anak. This scares her so much na nagdulot ng kanyang nervous breakdown. Maybe she had formed some images and this frightening thing that causes it produced her extreme paranoia.” Wala ata akong naintindihan? Ang alam ko lang… sinasabi niyang may isang bagay akong kinatakutan kanina… Parang wala naman kasi wala naman akong maalala.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon