BLOOD 1: LEGEND [ The Vampires' Ancestors ]

19.3K 286 34
                                    

[=- KATHRYN’S POV -=]

 

“Remember, death will never be the end… Only love can break the only rule...”

GRANDESILLA—ang mundong kinapapalooban ng mga nilalang na hindi katulad ng mga tao. Mga nilalang na may kakayahang mabuhay ng pang habang panahon at may kakaibang mga abilidad at kapangyarihan. Ang mundong ito ay pinamumunuan ng angkan ng Sierada, ang angkan na may kakayahang gumamit ng mahika. Ang angkan na ito ay pinamumunuan ng kambal na sina Lia at Thryna. Ipinanganak silang taglay na ang kakaibang kapangyarihan.

Taglay ni Thryna ang limang elemento ng daigdig habang si Lia naman ay ang kakayahang gumamit ng itim na mahika. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga kapangyarihan, maayos at masayang namumuhay ang magkapatid. Magkasundo sila sa pamumuno sa buong Grandesilla at napagtagumpayan nilang mapaghari ang katahimikan at kapayapaan roon, maliban lamang ng dumating sa buhay nila si Niell, isang matipunong lalaki na galing sa kaharian ng Gylvania.

Tila, naliligaw ka yata ginoo?” Tanong ni Thryna kay Niell ng makita niya itong parang may hinahanap.

“Isa lamang akong manlalakbay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad ako sa inyong kaharian, binibini.” Tugon naman ni Niell na napapakamot sa ulo niya, “Tila, nakalimutan ko na ata ang daan pabalik?”

Madilim na, ginoo. Baka gusto mo munang manatili sa aming palasyo at magpabukas na? Akin kayong pasasamahan sa aming mga tauhan.” Sabi ni Thryna. Kung makikita mo si Thryna sa mga panahong iyon, tila hindi mawari ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Para siyang nakakita ng isang anghel, anghel na ipagkaloob sa kanya ng kinikilala nilang Panginoon.

“Aa-a-ah? Ano ang iyong winika, Binibini? Mga tauhan ba kamo?” Gulat na tanong ni Niell.

“Ako nga pala si Thryna, isa sa mga kinikilalang pinuno ng kahariang ito.” Sabi ni Thryna.

“Paumanhin, ngayon ko lamang ito nalaman, binibini.” Sagot ni Nielle na biglang yumukod sa kaharap niyang binibini.

“Oh, oh…” Pigil ni Thryna, “Hindi mo na kailangang yumukod, ayos lamang iyan… halika at sumunod ka sa akin, ano nga ba ang iyong ngalan?”

“Niell… Niell ang aking pangalan, binibini…” Sagot ng binata.

“…Thryna. Thryna na lamang itawag mo sa akin, Niell.” Alok ni Thryna.

Sa araw na iyon nagbago ang lahat. Nakilala ni Niell si Lia sa loob ng kaharian. Ni hindi alam ng dalaga na ang kanyang kambal pala ang nagdala sa binatang iyon sa loob ng kaharian. Sa unang sulyap pa lamang ni Lia sa binata, nahulog na ang kanyang kalooban sa kanya.

Sa kasamaang palad, nagkaroon si Niell ng lihim na pagtingin kay Thryna, gayundin ang dalaga. Nalaman ni Niell ang lahat ng tungkol sa Grandesilla-- ang mga kapangyarihang idinulot sa mga mamamayan roon. Ang lahat ng sikretong hindi maaaring ipagsabi sa mga mortal na tulad niya. Marami sa mga mamamayan na iyon ang tumutuligsa na sa kanya. Hanggang dumating ang araw na pinapili na siya sa dalawang bagay, ang umalis na siya sa kaharian ngunit buburahin sa kanyang alaala ang lahat ng tungkol sa mundong iyon o ang kaluluwa niya upang ipagpalit sa bagong katauhang katulad ng mga tao ng Grandesilla.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon