BLOOD 68: FACE OFF

2.9K 95 4
                                    

“PAPA!” Sigaw ko.

“Wag ka ng lumapit. Iligtas niyo ang sarili niyo!” Sabi ni Papa.

“Kath, umalis na tayo!” Sabi naman ni Daniel.

“Pero, paano sila?” Sabi ko naman.

“Umalis na kayo, Kath! Bilisan niyo! Hindi naman kami ang puntirya ni Lia kundi kayo. Umalis na kayo at tumakas!” Sabi naman ni Kuya Sam.

Walang ano-ano ay bigla na lamang akong hinila palabas ni Daniel. Sinubukan kaming harangan ni Lia ngunit hinawi siya ng hangin ni Kuya Sam kaya tuluyan kaming nakalabas. Sa katatakbo namin ni Daniel, hindi namin alam kung saan na kami nakarating.

“Ayos ka lang ba?” Humahangos na tanong sa akin ni Daniel.

“Ayos lang ako. Paano sila?” Sabi ko.

“SIgurado akong ligtas sila dahil anuman ang mangyari, sa atin at sa atin susunod si Lia.” Sabi naman ni Daniel.

“Anong gagawin natin?” Sabi ko.

“Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong ligtas ka, Kath.” Sabi ni Daniel.

“Napaka-romantic niyo namang dalawa.” Nasundan kami ni Lia. “ililigtas mo siya, Daniel? Bakit? Ibubuwis mo ang buhay mo para sa kanya?” Sabi nito.

“Bakit, Lia? Ano naman sa iyo?”

“Eh tanga ka, Daniel! Papatayin ko rin naman kayong dalawa eh. Ganoon na rin ang mangyayari doon! Uunahin kita tapos isusunod ko siya!” Sabi naman ni Lia.

“Hindi mo magagawa iyon hangga’t buhay pa ako!” Sabi ni Daniel at saka sumugod papunta kay Lia ngunit wala kay Lia ang kanyang bilis sapagkat nahablot siya kaagad nito.

“Hangal.” Sabi niya. “Mukhang mapapadali ang pagpaslang ko sa iyo, Daniel? Ngayong buwag na ang aking sumpa  na binali ng matandang iyon, hindi na kayo mabubuhay ulit sa susunod na panahon. Magiging matagumpay na ang mga ninanais ko sa mundong ito!”

“Bitawan mo siya, Lia!” Sigaw ko.

“At bakit, Kathryn? May dahilan ba para bitawan ko ang lalaking ito?”

“Itigil mo na ito, Lia! Tigilan mo na kami!”

“At bakit? Nahihibang ka ba, Kathryn?” Napangisi si Lia, “Sa sakit na idinulot mo sa akin, sa tingin mo ganun-ganun na lamang iyon? Hindi ako papayag! Unti-unti kong papatayin ang lalaking ito para maramdaman mo ang mga naramdaman ko noon!!!!”

“Wag! Parang awa mo na!” Sabi ko pero bigla na lamang lumutang si Daniel sa kanyang harapan. Bigla na lamang parang hiningal si Daniel habang may nakikita akong kung anong usok ang lumalabas sa kanyang katawan at unti-unting hinihigop ni Lia.

“T-tumakbo k-ka na, Kath.” Sabi ni Daniel na tila nahihirapan.

“Itigil mo yan, Lia! Parang awa mo na!”

Sa halip na sagutin siya ay bigla na lamang tumawa ito ng pagkalakas-lakas. “Masarap pa lang ang lakas ni Daniel, ano? Lalo na kapag nakikita kitang nahihirapan!”

“Itigil mo na yan! WAG SIYA!” Sabi ko.

“Wag kang mag-alala, isusunod na kita!”

Bigla na lamang akong may nakapang kung ano sa bulsa ko habang humahanap ako ng paraan. Dalawa ang naroon, ang kwintas na ibinigay sa akin ni Kuya Sam at isang maliit na bote na may lamang tubig. Bigla akong may naalala. Kagaad koi tong isinaboy kay Lia at hindi ako nagkamali. Dahil nasa katawan siya ni Bea, mahina rin siya sa kung saan ito mahina. Bigla na lamang bumagsak si Daniel sa lupa kaya kaagad ko siyang pinuntahan.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ko, “Tumakas na tayo, bilis!”

“HANGAL KA!” Hindi ko namalayang mabilis na nakarecover si Lia sa ginawa ko kaya naabutan niya pa rin kami. “AKALA MO BA MATATAKASAN MO AKO?!”

Bigla na lamang niyang inilabas ang punyal na nasa kanyang likod at tangkang isasaksak sa akin ng humarang si Daniel. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at ramdam ko kung paano iyon unti-unting lumuwag habang pareho kaming bumabagsak sa lupa.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon