BLOOD 45: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (6)

4.9K 123 18
                                    

THRYNA'S POV

Hindi na sumama si Niell pabalik sa kanilang kaharian. Nais daw niyang makasama ako bago ako magpalit anyo para raw kung mayroon daw maging problema, may magawa raw siya para sa akin.

Kasabay ng paglisan ng mga kasama at pamilya ni Niell ay ang sabay na pamamaalam ni Kuya Samuel. Maglalakbay na raw siya at hahanapin ang hindi niya pa nalalaman. Wala raw kasiguraduhan ang pagbabalik niya. Kung sakali raw na wala pa siya matapos ang limang taon, ibilang na raw namin siyang pumanaw na.

"Pero kuya..." Para akong bata na umiiyak sa paglisan ng isang tao na pinakamamahal ko. Buong buhay ko kasi nariyan si Kuya. Paano na ako?

"Nakahanap na ako ng papalit sa akin sa pagaaruga at nakita ko sa katauhan ni Niell iyon." Ngumiti ito kay Niel at muling tumingin sa akin. "Wag kang magalala bunso. Kapag nakabalik ako, ikaw ang una kong hahanapin. Kung mawala man ako, sisiguraduhin ko na makakarating sa iyo ang impormasyon sa pamamagitan ng aking hangin..."

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. "Ipapanalangin ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay. Uwian mo ako ng pasalubong kuya, ha?" Pabiro kong sabi habang parang musmos na pinunasan ang luha ko sa pamamagitan ng aking mga braso.

"Huwag kang magalala, Thryna. Huwag ka ng umiyak." sabi ni Kuya Samuel habang hinahaplos ang aking likod, "Heto o..."

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon