BLOOD 20: AFTER DEATH?

7.1K 144 17
                                    

Readers!!!!!!!!!!!!!!!!!!

HIndi niyo alam kung gaano niyo ako namotivate magsulat. Salamat ng marami ha.

I love you all. 

Keep on suppporting me. :D :D :D 

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn’s POV

 

“Kathryn...” Dinig kong tawag ni Julia sa akin mula sa ibaba.

“Andyan na... wait lang, bhest.” Sagot ko naman. Inayos ko na muna lahat ng gamit ko at inipon bago kami pumunta sa Grande. Napakarami nang nangyari. Sa sobrang dami nito, halos gusto ng kumawala ng buo kong pagkatao sa mundong ito pero there’s a part of me na nagsasabing, “Kath, stay stronger. Darating si Daniel.. Darating siya.”  

It has been five months now since nangyari ang mga bagay na bumago sa mundo ko. I am staying with Julia and Lexi at the same apartment, mas makakabuti raw sa akin kung sa kanila na ako tutuloy. Hindi na raw kasi safe na tumira ako sa isang bahay na hiwalay sa kanila lalo’t may nalalaman na raw akong tungkol sa kanila. Hell, yeah. May mga bagay na akong alam na tungkol sa kanila na hindi alam ng ibang ordinaryong taong katulad ko. And hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nalaman ko o hindi. I don’t know. Since the time he disappeared,  wala na si Kathryn Salcedo na palatawa, wala na ‘yung masayahin, lively, at sociable person. Nawalan na ako ng gana. Habang nag-aayos ako ng gamit, napansin kong bumukas ‘yung cabinet ko kaya naman, tumayo ako at akmang isasara ito ng mahulog ang isang bagay.

I saw the picture of us, Dj and Me. Si Daniel na parating andyan para sa akin, si Daniel na mayabang, si Daniel na torpe, si Daniel na mula pagkabata eh kasama at minahal ko na, na sa isang iglap bigla na lamang nawala sa aking tabi. Lahat ng bagay ay biglang pumasok sa isipan ko muli, mga ala-alang pilit akong ikinukulong sa masalimuot kong nakaraan.

----------------------------------------------------------------------

FLASHBACK—5 MONTHS EARLIER

I was back in the woods dala-dala ang medicine kit na kinuha ko sa bahay nila Quen ng mapalingon ako sa langit, the moon shines brightly, pero nakakatakot ang kulay dugo nitong anyo. But it doesn’t matter, sabi ko sa sarili ko. Tuloy-tuloy lang ako. Naramdaman kong parang may mga sumusunod sa likod ko kaya lalo kong binilisan ang lakad. Kahit takot na takot ako, sige lang, kapakanan ni Daniel ang nakasalalay dito.  Nakarating akong ligtas sa kung saan ko iniwan si Daniel pero laking gulat ko ng may tumambad na dugo sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya at wala ang kaniyang katawan.

“Daniel...?” Tawag ko sa kanya pero walang sumagot.

“Daniel...?” Muli kong banggit.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon