BLOOD 40: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (1)

5.7K 133 37
                                    

THRYNA'S POV

AN: YOW YOW YOW. SI THRYNA ANG NAKARAAN, SI KATH ANG KASALUKUYAN. SANA AY NAAALALA NIYO PA ANG ALAMAT NOH? HAHAHAHA. NASA FIRST CHAPTERS SIYA. :) 

Nagising ako dahil sa pagkalembang ng mga maliliit na bolitas sa kwarto ko. Kapag kasi tumutunog iyon, ibig sabihin, umaga na. Malakas kasi ang hangin sa parte ng palasyo na iyon tuwing ganoong oras ng umaga. Mula sa dalampasigan ay humuhampas ang sariwang hangin sa bintana ng aking kwarto.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nag-inat inat. Isang araw na naman kasi ang haharapin ko. Ang hirap maging isang prinsesa ng kaharian ito. Napakaraming mga dapat gawin at alalahanin. Inaamin ko, natutuwa ako kapag natutulungan ko ang mga nasasakupan ko pero nalulungkot ako sa napipintong pagpapalit ko ng anyo.

Pinamanahan ako ng aking ina ng isang kapangyarihan. Kuntento naman na ako kung anong meron ako pero sabi ng Inang Reyna, bilang tagapagmana ng korona, kailangan kong maging makapangyarihan para raw maging malakas ako at maipagtanggol ko ang aking sarili. Naipasa na sa akin ang kapangyarihan ngunit makakamit at magagamit ko iyon sa muling pagbilog ng buwan, na sakto sa ikalabing-walong taong gulang ko.

"Aking prinsesa, gising ka na ba?" Kilala ko ang tinig na iyon!!! Sabik na sabik kong binuksan ang pinto ng aking silid.

"Kuya!!!" Kaahad akong yumakap sa kanya. "Magandang umaga!" Pagtapos ay ikinusot ko sa kanyang luntiang damit ang aking mukha. Nakasanayan ko na ang gawing unan ang dibdib ni kuya. Napakatikas ng katawan ni kuya. Bagay sa kanya ang suot nitong damit na napapalamutian ng makikinang na mga butil ng dyamante.

Bata pa lang ako, si kuya na ang naging pananggalang ko. Lagi niya akong pinagtatanggol. Hindi niya ako pinapabayaan. Napakalakas at napakatikas niya. Idagdag pa ang kakayahang ipinamana sa kanya ni Ama. Binigyan siya ng kapangyarihang manipulahin ang hangin.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon