BLOOD 38: MOMENTS OF LOVE

5.9K 159 8
                                    

KATH’S POV

 

 

 

Hawak niya ang kamay ko. Tumatakbo kami pareho. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon pero isa lang ang hiling ko sa mga panahong iyon. Sana hindi na matapos ang sandaling iyon. Hindi na ako makapagsalita kasi nakatuon lang ang mga mata ko sa napakagandang nilalang na may hawak ng kamay ko.

“Baka matunaw na ako niyan, Kath.” Tumigil siya at binitiwan ang aking kamay. Parang may pagkadismaya akong naramdaman eh. Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tuhod at naghabol ng hininga.

“Wag ka ngang magpanggap! Hindi ka naman napapagod eh.” Siya rin naman ay ganoon din ang ginawa, hindi nga niya alam kung ano ang dahilan at bigla silang tumakbo. “Ako ang dapat na magganyan kasi kanina mo pa ako hinihila.”

Napakamot siya sa kanyang ulo. “Sorry naman. Kung doon pa kasi natin itutuloy ang pag-uusap natin, siguradong nakadantay magdamag ang mga tainga nila sa pinto ng kwarto mo.” Sabi naman niya.

Nag-init ang mga pisngi ko at alam kong namumula ako, “Tingin mo ba… narinig nila ang kakornihan ko? I mean “natin”?

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon