BLOOD 35: REDEMPTION (2)

5.4K 124 14
                                    

 

 

LEXI’S POV

 

 

Habang tinatahak ko ng sobrang bilis ang daan, iniisip ko si Rick. Hindi ko alam kung paano e, pero parang nawala lahat ng galit at hinanakit ko kay Rick pagkatapos naming mag-usap ni Julia.

“Alam mo, may mga bagay na pwedeng mangyari ng hindi mo inaasahan sa loob lang ng maikling panahon. Kung halimbawa’y bigla na lamang siyang mawala sa’yo? Anong gagawin mo?” Parang gumuhit ang sakit sa puso ko noong sinabi niya ang mga katagang iyan.

 

 

 

 

Ano kaya ang feeling pag wala na si Rick sa tabi ko? Kaya ko kaya? Eh kung ngayon nga, hirap na hirap na ako eh.

 

 

 

 

 

“Kita mo na? Hindi ka kaagad nakasagot? Kasi mahal mo pa rin siya. Ayaw mo aminin sa sarili mo kasi natatakot ka. Kinukulong mo ang sarili mo sa mga bagay gaya ng nakaraan mo. Sigurado ka bang ikaw lang ang nasasaktan? Hindi mo nga sinaalang-alang ang nararamdaman niya ngayon. You are being unfair.” Sabin i Julia.

 

 

 

 

 

“Julia…” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman nailapat ko na lang ang kamay ko sa mukha ko upang takpan ang mga luhang malapit ng pumatak mula rito.

 

 

 

 

 

“Alam ko rin naman kung paano mawalan ng magulang. May mga pumatay din sa kanila pero nakayanan ko ‘yun i-endure. Sa tingin ko napatawad ko na rin siya. Napatawad ko na kung sino man ang pumatay sa kanila. Pero ikaw? Bakit pinarurusahan mo ang sarili mo?” Sabi ni Julia.

 

 

 

 

 

 

“Pero kasi Julia.” Then I sobbed, “Kasi kahit ako, hindi ko matanggap na pinaslang ko ang mga nilalang na mahalaga sa kanya.”

 

 

 

 

 

 

“Narinig mo ba siyang sinisi sa mga naging pagkakamali mo?” Sabi naman niya.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon