BLOOD 34: REDEMPTION (1)

5.4K 115 6
                                    

 

 

 KATH’S POV

 

 

 

Ano na kayang nangyayari sa mga ‘yun? Hindi na kasi ako lumabas ng kwarto simula noong natapos kaming kumain, nagpulasan na kasi sila at nagpunta na sa kung saan man sila nagpunta. Mamaya, may pa-game na si Sam.

“Oo nga, si Sam. Mapuntahan nga.” Bigla kong naibulong sa sarili ko. Kami lang naman kasi ang magkakasundo kasi ‘yung iba wala naman sa mood.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa room ni Sam. Nakita kong nakaawang ang pinto kaya naman hindi na sana ako kakatok pero narinig kong may kausap siya sa loob.

“Why did you follow us?” Dinig kong sabi ni Sam.

“Bakit? Ayaw mo bang makasama ang kapatid mo sa ganitong bakasyon?” Medyo familiar ang boses.

“You shouldn’t be here, after all.” Malamig na sagot ni Sam.

“Nakakasama ka naman ng loob.” Punong-puno ng kaplastikan ang tono ng pananalita niya. Alam ko ‘yon kasi ramdam ko. What’s with this girl?

“Bea, I know that you are up to something, so, please, stop these sh1ts!”

Si Bea.

Si Bea pala iyon.

“What are you talking about? I am here to enjoy. What the hell on Earth are you saying?” Sabi nito.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon