BLOOD 41: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (2)

5.6K 128 18
                                    

THRYNA's POV

Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang binatang iyon. Hindi ko alam kung anong meron siya at parang hindi ko malimutan ang imahe niya. Ano bang nangyayari sa akin?

"Tila hindi mapakali ang aming prinsesa? May bumabagabag ba sa iyo?" Si Inang Ruthina 'yun, ang tagapag-alaga ko at parang nanay ko na rin.

.

Bumuga ako ng hangin at umupo sa kama, "Si Niell po kasi..."

 

"Niell ba, ika mo? Sino ito?" Parang sabik na sabik si Inang sa kwento ko. Matagal niya na kasi akong nais magkaroon ng kasintahan ngunit ni minsan ay hindi ko tinanggap ang alok ng kahit na sinong namanhikan sa akin. Salamat na rin kay Kuya Samuel dahil sinisindak niya ang mga manliligaw ko na nais lamang ay ang kahrian namin.

"Hindi kasi siya mawala sa isip ko, Inang." Banggit ko, "Ang ipinagtataka ko lang, kanina lang kami nagkita ngunit parang hindi na siya nawala sa isipan ko." Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

"Bakit kaya ganoon, ano, Anak? Naniniwala ka ba sa pag-ibig ng unang pagkikita? Baka naman nabiktima ka noon? " Napaupo ako bigla sa kama.

"Pag-ibig po?" Matawa-tawa ako sa pagbanggit noong salitang iyon.

Ngumuso naman si Inang, "Oh siya, paano kayo nagkakilala ng Niell na 'yan?"

 

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon