BLOOD 63: RESURRECTION

3.2K 100 7
                                    

KATH’S POV

Ilang araw ang lumipas mula noong umalis sila Ms. Betz at Mr. Grey. Hindi ko alam pero malaki ang pangangamba ko sa maaaring mangyari kapag nakuha nila ang nawawalang kabiyak ng hiyas. Hindi ko na alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat.

Ngunit isang bagay ang sigurado ko, sa araw na iyon magigising si Lia.

“Malalim yata ang iniisip mo ha?” Pamilyar ang boses na iyon.

“H-hindi naman.” Sagot ko.

“Kath, stop thinking about Lia. Sisiguraduhin ko sa iyo na hindi maooccupy ni Lia ang katawan mo. Kilala kita.” Sabi niya.

Napakagaling ni Bea sa mga ganitong sitwasyon. Alam niya kaagad na si Lia ang nasa isipan ko.

“And besides, I won’t let her to lay even a single finger of hers on yours and Daniel’s.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Pero, bakit kaya bigla niyang sinabi iyon?

“S-salamat, Bea.”

“Anong mayroon ditto?” Narinig ko ang boses ni Kuya Sam mula sa likuran.

“Wala naman kuya, we’re just talking.” Sabi ko.

“Oh? Mukhang kayo ang may kailangang pag-usapang dalawa? Aalis na muna ako ha.” Then Bea started to walk away.

After we followed Bea’s silhouette with our eyes, I looked at Kuya’s eyes. His eyes are quite… lonely.

“May problema ba kuya?” Tanong ko.

“Nothing, Kath. I am just… kind of tired.”

“Kuya. Wag muna tayong sumuko. Kaya natin ito. Remember? You are our leader, right?” Sabi ko.

“Pero lagi na lang nanganganib ang buhay mo, buhay ko, ang buhay nilang lahat.” Sabi niya.

“Mas manganganib tayo kuya kung sakaling tumigil tayo. Sa tingin mo ba hindi nila tayo hahanapin?” Sabi ko, “Papatayin din nila tayo. Ganun pa rin ang ending kaya dapat labanan na natin ang taliwas na pamumuno ng mga taong umagaw ng dapat sa atin. Matagal na tayong hinihintay ng mga nasasakupan natin. Hahayaan na lang ba natin sila umasa?”

Napabuntong hininga si Kuya Sam, “Alam mo, Kath. I am dreaming about Dad.”

Bigla akong patikwas sa pagkakaupo. “What do you mean?”

“He always shows in my dreams and keep on saying, “Alalahanin mo anak.”” He said in a confused voice, “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon.”

Bigla kong naalala noong nakaraang araw na nagpakita si Papa sa akin. Hindi kaya… totoo iyon?

“KUYA!” Tawag ko kay Kuya Sam. Halata namang nagulat siya base sa reaksyon niya, “He showed to my dreams , too.”

“Oh? Anong sabi niya?”

“Ang pagkakatanda kong sinabi niya, may nakalimutan ka raw sa nakaraan mo. Nasa iyo raw ang susi kung saan matatagpuan ang kabiyak ng hiyas.” Sabi nito.

Napakunot ng noo si Kuya Sam. Halatang nalito siya sa sinabi ko.

“Sa akin?”

“Oo, kuya. Sa iyo.”

“Pero bakit hindi ko maalala?”

“Baka naman… spell bounded ang bagay na iyon kaya naman hindi mo maalala kung nasaan iyon?”

Napaisip si Kuya. Maya-maya ay parang may bumbilyang umilaw sa kanyang ulo. Bigla siyang napangiti. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.

Nakapagtataka man, hindi ko na lang pinansin. Kanina pa rin kasi ako parang nanlalamig. Medyo masakit din ang ulo ko. Kaya naman kanina pa ako nagkukulong ditto sa kwarto. Siguro kulang lang ako sa pahinga. Mula kasi noong nagkagulo-gulo ang mundo naming lahat, parang wala ng pahinga ang utak at katawan ko.

Hindi na tuloy namalayan na nakatulog na pala ako.

Daniel’s POV

“Bakit kaya hindi lumalabas ng kwarto si Kath? Puntahan ko kaya sa kwarto niya?” Sabi ko kay Quen.

“Oo. I-check mo na.” Sabi naman ni Quen.

“Ay, teka. Nasaan nga pala si Sam?”

“Hindi ko alam. Kasama niya sina Lexi at Rick na umalis.” Sagot ni Quen.

“Ah sige. Pupuntahan ko na si Kath sa kwarto niya.”

“Sige, dre.”

Bago ako umakyat sa taas, parang may narinig akong boses. Boses yun ni Julia. Para siyang nagmamadaling hindi ko malaman. Humahangos siya pero hindi ko na pinansin. Naroon na naman si Quen para asikasuhin siya. Para kasing kinakabahan ako. Hindi kasi ganito si Kath.

Pagdating ko sa harapan ng kwarto ni Kath, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Antahimik kasi eh. Hindi siya ganito. Hindi ganito katahimik.

Nang binuksan ko ang pinto, inilaro ko ang aking paningin hanggang sa makita ko si Kath na nasa tapat ng bintana.

“Ayos ka lang ba, Kath?” Tanong ko.

Hindi siya sumasagot. Maya-maya pa ay sinubukan ko ng lapitan siya pero isang tinig angnagpatigil sa akin.

“Ayos lang naman ako, Niell.”

Tinawag niya akong… Niell.

“DANIEL!!!” Narinig kong sigaw ni Julia pero biglang sumara ang pinto.

“DANIEL! WAG KANG LALAPIT KAY KATH! WAG KANG LALAPIT SA KANYA!” Sigaw ni Quen.

“Ikaw? Kamusta na, Niell?” Sa pagharap ni Kath, nakita ko ang kanyang mapupulang mga mata. Kulay rosas ang kanyang labi. Pale ang kulay ng kanyang mukha. Mukha siyang isang bampira. Ngunit, hindi ba’t isang raposa si Kath?

“S-sino ka?” Tanong ko.

Napapaatras ako sa bawat hakbang niya papalapit sa akin. Hindi siya si Kath.

“HINDI SIYA SI KATH, DANIEL. DON’T TRY TO LOOK AT HER. SHE CAN ALLURE YOU!”

“Sino ka?” Muli kong tanong.

“Ako?” Tapos nilaro laro niya ang kanyang mga kuko, “Ako… si Lia.”  

Pagkasabi niya ng pangalan na iyon, para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi ko na rin namalayan na sinugod niya pala ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko na lang ang sarili ko, hawak niya sa leeg at naghahabol ng hininga.

===

AN:

Medyo matagal akong di nakapagparamdam. Pasensya na. :)  

Tatapusin ko na itong story na ito this month. :)

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon