BLOOD 57: WANTED

4.3K 145 26
                                    

KATH'S POV

Daniel wrapped me around his arms. Halatang nag-alala siya sa akin. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang gagawin ko kanina. Kung alam ko lang makipaglaban edi sana nagawa kong lumaban. Nasa sasakyan na pala kami. ‘Yung mga gooms kanina, pinalipad ni Quen at Kuya Sam sa malayong lugar.

Oo, natapos nila ang lahat ng mga iyon. Iba rin kasi ang mga gifted immortals. Masyado nga silang malalakas. Ngayon ko lang halos nakita ang mga kapangyarihan nila. Nagulat ako sa mga nakita kong kakayahan nila. Matagal na kami magkakasama pero kanina ko lang sila nakilala bilang mga immortal.

Si Kuya Sam, although nakita ko na dati ang kapangyarihan niyang paggamit ng telekinesis at elemento ng hangin, kanina ko lang nakita na kontroladong kontrolado niya ito. Napakalikot ng utak niya para sa mga bagay-bagay sa paligid niya. Kung ako ang may ganoong kapangyarihan, hindi ko kaagad mapagsasabay ang dalawang iyon sa isang tira lamang. Nakita ko kasing sa pamamagitan ng kanyang telekinesis, nakagagawa siya ng mga bagay mula sa hangin kapag ginagamit niya ang elementong iyon.

Si Quen naman ang may kakayahang kumontrol ng bagay sa paligid niya. Since malakas ang hangin kanina, nagawa niyang gamitin iyon at gumawa ng bagong sandata. He has mastered it so much. Kaya pala noong mga panahon na magkakasama kami sa Grande, at bago pa lamang ako, nagugulat na lamang ako kapag nagagalit siya. May mga bagay kasing nasisira lalo na noong una naming pagkikita.

Si Julia naman, masasabi kong ang kapanyarihan niya ang isa sa mga silent killer sa kanila. Since she can see the future pero hindi ko maintindihan kung paano niya napatumba ang mga kalaban kanina sa isang iglap lang. Bigla na lang kasing nagbagsakan ang mga kalaban eh. Hindi kaya may iba pa siyang kakayahan? Well, malalaman ko rin yan kapag itinanong ko mamaya.

Namangha naman ako kay Daniel. May dalawang abilidad pala siya. May kakaibang bilis siya na mas mabilis sa ordinaryong immortal. And the second one is one of rarest ability according to Kuya Sam. He has this ability to manipulate energy. He can transform tangible and intangible energies into complex shapes and things that are imaginable yet becomes true if people will perceive it as real. Yun naman ang naisip kong kahinaan ng kapangyarihan na ‘yun. Kapag inaccept kong hindi totoo ang sandatang iyon, malamang walang talab sa akin ‘yun.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon