BLOOD 60: TRUST

3.8K 139 17
                                    

Kath’s POV

Tulog na silang lahat. Ako na lang ang gising. Kanina, kinukulit ako ni Daniel na matulog na pero hindi ko kasi magawang matulog. Baka kasi paggising ko bukas, buhay na si Lia. Naka paggising ko bukas, wala na ako sa tabi ni Daniel. And worst, baka si Lia na ang gumising bukas.

Hindi pa ako handa. Unti-unti akong gumalaw at binuksan ang pintuan ng kotse. Dinahan dahan ko lang para hindi nila mahalata.

Fortunately, walang nagising sa kanila. Napagdesisyunan ko kasing magpahangin na lang muna saglit.

Nakakita ako ng isang lugar kung saan malinaw na makikita ang buwan na nasa kalahating anyo nito. Napakaliwanag nito kahit hindi full moon. It showers light all over the place kaya doon ako pumwesto.

Sa aking pagmumuni-muni ay may biglang sumulpot sa likod ko at tinawag ang pangalan ko.

“Kath…” Sabin g boses. Medyo napapitlag ako pero pamilyar sa akin ang boses kaya napanatag ako kaagad.

“Bea.”

“Anong ginagawa mo rito?”

“Ah…” Utal kong sabi, “Nagmumuni-muni lang naman. Ikaw?”

“Nakita kasi kitang lumabas kaya naman sinundan na kita.”

“Ah… hindi ka rin makatulog?”

“Oo eh.” Sabi niya, “I am not comfortable to sleep in this situation. Baka kasi mamaya may sumugod.”

“Ako rin eh. Hindi ako kumportable.”

May namagitang ilang segindo ng katahimkan bago siya muling nagsalita.

“Ahm…” Putol niya sa katahimikan, “Kath.”

“Hmm?”

“Alam kong naiilang ka sa akin.” Sabi niya. “Pero gusto ko lang na malaman mo na kung anomang feelings ang nabuo ko para kay Daniel, lahat yon, it already vanished.” Sabi nito.

“Bakit mo sinasabi ito ngayon, Bea?”

“Nakikita ko kasing medyo naiilang ka sa akin, gaya ng sabi ko. May iba na akong mahal at napakatanga ko dahil hindi ko kaagad napansin ang concern niya sa akin. Hindi ko siya napansin kaagad kasi nakafocus ako kay Daniel.”

“A-anong ibig mong sabihin na may iba ka ng mahal?”

“Tama ang narinig mo. May iba na akong mahal. You don’t have to be anxious or whatever to me.”

Pra akong nabunutan ng tinik. Hindi ko na naitanong sa kanya kung sino ang tinutukoy niya dahil baka hindi ko naman kilala. May iba kasi rin akong gustong itanong sa kanya.

“May itatanong sana ako Bea?” Umupo ako sa damuhan bago ituloy ang tanong ko at inalok siyang umupo na rin, “Totoo bang ilang beses mo ng ginusto akong patayin sa past life ko?”

“Actually,” Lumunok muna siya bago nagpatuloy, “I have killed you 5 consecutive times until the most recent.”

Medyo nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero pinili kong itago ang nararamdaman kong iyon.

“Dahil ba ‘yun sa tindi ng pagmamahal mo kay Daniel?”

“Oo.”

Napatahimik ako. Naisip ko kasi na kung nagawa niya yon sakin dati dahil sa pagmamahal niya kay Daniel, hindi malabong may feelings pa siya kay Daniel.

CONCEALED VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon